Three hours in the hospital and still no one knew what had happened to Xevier. He'd been informed they'd found another antidote vial locked in a safe at Dra. Palma's house. Pero para saan nga ba ang antidote? Gustong malaman ng mga kasamahan niya kung para saan nga ba ang nasabing antidote, pero si Janine lamang ang makakasagot non. After all, it was her serum.
At dahil determinado na siyang makalabas sa hospital, pinakiusapan niya ang kanyang doctor na hindi naman kritikal ang lagay niya kaya pwede na siyang mag discharge. Nagpapalit siya ngayon ng damit nang dumating naman si Vin.
"Kumusta na? Nakita nyo na ba yong babae, Vin?"
"We lost her." napayukong saad ni Vin at saka napapailing.
"Sinabi mo na ba sa team na kailangan nating mahanap siya?" he asked and tucked his shirt into his jeans.
"Magpagaling ka nga muna Xevier, bago mo isipin ang mga bagay na yan." ani Vin. "Wag kang mag-alala kami na ang bahala sa kanya."
Pero hindi man lang nakinig si Xevier sa kaibigan. At sa halip na sumagot ay nagsuot siya sa kanyang sapatos. Hindi pa kasi niya pwedeng sabihin sa mga ito na kilala niya si Janine. Hangga't hindi pa niya nalalaman kung ano talaga ang kinalaman ng dating nobya sa naganap na k********g.
Isinuot na niya ang pangalawang sapatos at saka sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay.
"Sigurado akong kasabwat ng mga kidnappers ang doctora na yon."
"Siguro, pero.." Pero hindi talaga siya makapaniwala na kasabwat nga si Janine sa mga kidnappers.
"Pero ano?" untag ni Vin.
Pero bakit kaya iniksyonan siya ni Janine para maging paralisado siya? Ano ba talaga ang dapat paniwalaan niya? "Basta hanapin nyo lang siya, Vin."
"Ihahatid na kita sa bahay mo." anito at inalalayan si Xevier.
"Wag na, kaya ko bro."
"Come on, Ruiz. Ka gagaling mo pa lang."
"Kilala ko si Janine Palma."
"Kilala mo ang babaeng yon, pero hindi mo man lang alam kung saan ito nakatira."
Hindi talaga, dahil ang alam niya nasa Amerika na ito. Oo, hindi man niya alam kung saan na ito nakatira, pero kilalang-kilala niya si Janine. He knew every inch of her body, every inch of her soul. Kaya nga hindi siya naniniwala na sangkot nga ito sa k********g. Pero para na ring sangkot ito nang lokohin nito ang mga pulis na siya ang asset na pinadala ng ransom money. Pero kung totoo ngang sangkot si Janine, bakit naman niya ginagawa yon?
The doctor warned him to take it easy for the next several days as he left the hospital. As if he actually would. Alangan naman tumunganga lang siya na marami ng batang nakidnap. At ang dating nobya ay nasa most wanted list pa ng NBI.
Binuksan na ni Vin ang pintuan ng kanyang Ford F150 pick up at pinasakay na siya."I can't take you anywhere but home, Ruiz. That's an order."
"Whose in charge?" He climbed in, still stiff from the drug.
"Si Hector ngayon ang in-charge sa imbestigasyon, at alam na namin ang history ninyo ni Janine. You're on official medical leave starting today until malaman namin kung anong serum ang itinurok sayo."
"Di ba alam na ninyo kung saan siya nakatira? pahingi naman ng address niya?"
"Don't do this to yourself, bro."
"Ang damot naman, nanghihingi nga lang ng address." ani Xevier, rested his throbbing head against the seat.
"Iniwan ka niya, bro. She packed up and left you after two words - good and bye."
Matapos ang sermon ni Vin ay pinaandar na nito ang sasakyan. At habang nagbibiyahe sila pauwi sa bahay niya, bigla namang nanumbalik kay Xevier ang nakaraan.
"Pwede ka namang sumama sakin sa Amerika, Xev." pangungumbinsi sa kanya ni Janine, kahit alam na nito kung ano pa rin ang isasagot niya. Ayaw rin naman niyang pigilan si Janine sa pagpunta nito sa States, dream job niya yon at once lang yon dadating sa kanyang buhay.
"It's not that easy, honey. Ano naman ang aaplayan kung work pagdating natin doon? Besides, napamahal na sa akin ang trabaho ko dito. This is the undercover break I wanted. Kaya lang, it may be months before you hear from me, and I can't let you know where--"
"Wag mo nang tapusin, Xev. Don't tell me I've got to live up my potential. Don't say you won't stand in my way."
"Ano naman ang maaring buhay natin sa States? Ayaw kong maiwan mo ako sa bahay Janine, habang ginugol mo ang iyong oras sa laboratoryo doing mindless work. Pero kung talagang pangarap mo yon, e grab mo na ang opportunity."
"Ikaw lang ang nag dedisisyon para sa sarili mo Xev, hindi ba natin to e discuss muna?"
"Mahal ko ang trabaho ko Janine, mahal ko ang bayan. Kaya dito ako nararapat." saad niya tas hinapit niya ang nobya sa beywang.
"At pano na tayo?" Ipinalibot naman ni Janine ang mga kamay sa beywang ng nobyo, holding on to him like a lifeline.
He held her, na parang ayaw na niya itong bitawan, but knowing it was the best he could do at the moment. "Basta huwag lang tayong maglimotan sa isa't--"
Pinutol naman ni Janine ang pagsasalita ni Xevier sa pamamagitan ng halik. Hanggang sa humantong sila sa kauna-unahan nilang p********k, at nagising nalang siya kinaumagahan na wala na sa tabi niya si Janine.
Ang oportunidad kasing makapunta ito sa States at makapagtrabaho doon sa pinaka prestihiyosong laboratoryo ay mahirap palampasin. Ayaw rin niyang pigilan ito dahil baka siya pa ang sisisihin nito sa huli sa hindi pagkamit sa pangarap nito. Masaya siya dito sa Pilipinas, at dito rin siya magpapakamatay sa inang bayan. Masaya rin siya sa mga loko-lokong ka teamates niya, para kasing magkarugtong ang mga bituka nila.
Para sa kanya, ang paghihiwalay nila ng landas ni Janine ay tamang desisyon lang. Pero hindi naman ibig sabihin na gusto rin niyang maputol ang komunikasyon nila. Hindi na kasi ito tumawag sa kanya simula non, or kahit mag email man lang. Hindi rin naman niya ito masisisi kung umalis man ito na walang paalam. Sigurado kasi siyang nagtatampo talaga ito sa naging desisyon niya. But Janine made a perfect choice.
It took thirty minutes to get to his house, but it took for a lifetime sa paghingi lang ng address ni Janine. Tarantadong Vin, ayaw kasing ibigay ang address ni Janine. Pero sa huli binigay rin pala kung hindi nga lang niya ito pabirong tinutokan ng baril. Nakatira pala ito malapit lang sa med school kung saan siya nag-aaral ng medisina noon. At kung saan rin una silang nagkita.
Sa halip na magpahinga siya sa kanyang bahay ay napagpasyahan naman niyang puntahan ang bahay ng dating nobya.
Pagkadating na pagkadating niya doon, para makapasok siya sa bahay nito kinailangan niyang ipakita ang kanyang badge sa mga nakabantay na unipormadong pulis. Matapos siyang payagang makapasok ng mga ito, he ducked under the police yellow tape at walang kahirap-hirap na pumasok siya sa bahay ng dating nobya. Uunahan nalang muna niya ang kanyang team sa pag iimbestiga.
Sa pagpasok niya sa loob, nakita niyang may mga carton pa ito na hindi nabubuksan. Siguro bagong lipat lang si Janine sa bahay na to, sa isip niya.
May mga frame itong nakapatong sa mesa pero wala pa naman itong laman. Sayang, hindi niya makita kung may asawa na ba ito.
Sinuri naman niya ang isang kwarto doon, at nakita niyang wala pa itong laman na kahit anong gamit.
Nakita niyang may computer desk sa living room pero wala namang computer unit. Janine was a scientist and couldn't live without having access to her files and external hard drive, kahit pa siguro may laptop pa ito. So where was the computer? Nagdududa na naman siya, kahit pa hindi talaga siya makapaniwala na sangkot nga ito sa k********g.
Binuksan naman niya ang isa sa mga drawer sa kwarto doon. Kinuha niya mula roon ang picture frame ni Janine na kasama nito sa picture ang ina. Talagang magkamukha nga ang mga ito. Then he ran his finger over Janine's lips. They'd still be soft and luscious.
Nagbukas naman siya ng ibang drawer at nakita niya doon ang isang libro.
Jackpot! Na kay Janine pa ang librong ibinigay niya nito noon. May note pa nga na nagsasaad "My favorite book is yours, and also my heart and soul. Love, Xev." naku! ang baduy pala niyang ma inlove noon. Sa paglipat-lipat niya ng pahina sa libro, isang antidote note ang kanyang natagpuan. Inilipat niya ulit ang pahina ng libro at may nagtapuan na naman siyang Valentines Card na galing sa nagngangalang Jayden.
Sino kaya itong Jayden na to?
Inilipat na naman niya ito sa ibang pahina at natagpuan na naman niya ang larawan nilang dalawa ni Janine, kuha ito sa bahay bakasyunan nila ni Janine sa Palawan.
So all this time may itinago pa pala itong larawan nilang dalawa. Naalala naman niya itong libro na binigay niya noong kaarawan ni Janine, at naalala pa nga niya sa itsura nito na tuwang-tuwang ito pagkatanggap nito sa libro. Masaya siya at nalaman niyang may special value pala sa kanya ang librong binigay niya.
Pero wait. Baka itong larawan nila ang magtuturo sa kanya kung nasaan na si Janine. Bahala na, anyway on leave naman siya. May panahon pa siyang mahanap si Janine. Naghanap kaagad siya ng telephone directory at nang may mahanap na siya tinawagan kaagad niya ang Airlines para makapagpa book siya ng ticket papunta sa Palawan. If he were lucky baka doon pa niya matagpuan si Janine sa bahay bakasyunan nila sa Palawan. At malalaman na rin niya sa wakas ang involvement nito sa k********g.
*****