Kasalukuyang umiikot si Janine sa bakuran ng bahay nina Xevier. Naalala naman niya ang sinabi ng mga magulang nito. Kung saan daw madalas na naglalaro si Xev noong bata pa ito. Kung saang puno ito nahulog dahilan sa pagkapilay nito ng ilang buwan. Makulit daw at malikot ang batang si Xevier, at higit sa lahat matapang at tagapagligtas ng mga taong inaapi. "Pero hindi ako nabibilang dito." aniya sa sarili saka siya napabuntong-hininga. Marami talaga siyang nalaman tungkol kay Xevier at sa pamilya nito. At masaya siya dahil tanggap nilang lahat si Robi. Mula sa mga magulang nito, mga kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan at lolo nito. At higit sa lahat tanggap rin siya ng mga ito hindi bilang ina ng anak ni Xev, kundi tanggap siya ng mga ito bilang bagong myembro ng pamilya nila. U
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


