May narinig si Janine na isang malakas na putok. Hindi naman siguro iyon paputok wala kaya sila sa syudad, sa isip niya. Bigla naman siyang kinabahan kaya naisipan niyang balikan si Xev. Pero ganon nalang ang kanyang pagkagulat ng makita niyang duguang nakahandusay si Xevier sa lupa. Oh God. Binaril si Xev ng walang hiyang si Helena. Napatutop na lamang si Janine sa kanyang bibig upang mapigilan niya ang paghikbi. Napaluhod siya dahil nanghihina ang buong katawan niya sa nasaksihan. Hindi man lang niya nagawang tulongan si Xev. Sana nakinig nalang siya nito, na hinintay nalang muna nila ang mga kasamahan nito sa NBI bago sila sumugod sa naturang lugar. Bangungot lang ba ito? Dahil kung bangungot lang ito, gusto na niya itong matapos. Hindi niya kayang tanggapin na pinatay ng

