Allen's POV Sa napakamabilis na araw na nagdaan, ikinasal na nga talaga si Chris at Amara dito sa gitnang bahagi ng Crisostomo. Tunay nga, naging sila talaga sa dulo sa dami ng dumaang pagsubok sa kanilang relasyon. Kasunod noon ay mga panahon na nagkakagulo sa mga kompanya namin lalo na Saavedra Group, pero salamat na lang at nasusulusyunan naman kaagad. Samantalang kami ni Blessica? Hmm, parang kailan lang ay nag-usap kaming dalawa, na sa akin na siya -- na akin na siyang pagmamay-ari. Pero ito, away bati na naman kami. That woman really made me crazy! Ngayong gabi ay magde-date kaming dalawa ng topak na 'yon dito sa Alfian Dining. May crave kasi siya ngayon na dito lang sini-serve. ''Pambihira 'to si Blessica, palaka na naman ang hinahanap ng bibig,'' bulong ko sa sarili habang lum

