TREINTA Y UNO

1123 Words
LUNA | TREINTA Y UNO Luna just can’t believe how Sebastian had an idea of her did a solo mission. Ayaw lang niya magtanong sa binata kung bakit nito naisipan ang gano’n. Ayaw niyang mabuo ang ideya nito tungkol sa ginagawa niya. Hindi nila kailangan madamay sa laban niya, sa sariling laban niya. Lalo na’t nagkaroon na siya ng lead sa taong matagal na niyang hinahanap. Sa loob ng maraming taong pagsasanay at paghahanap niya, alam niyang makikita na rin ang demonyong iyon. Because Sid Cordova is the under boss of Damon España. Ito rin ang may pakana sa prostitution scheme na nangyari sa Laketon Academy mahigit isang taon na ang nakakalipas. Ayon sa dokumentong nabasa niya sa opisina ni Leon Laketon — a contract perhaps, kailangang kumita ng malaking halaga si Mr. Laketon sa pamamagitan ng ilegal na pagbebenta para maisalba nito ang naluging negosyo. Laketon Academy was only build a year ago.  Sa paghahanap niya ng impormasyon tungkol kay Cordova sa internet, marami na rin itong ilegal na ginawa at naging pamamalakad. Isa na nga roon ang nangyari sa Laketon. Saka rin niya nalaman na nagta-trabaho ito sa kamay ni España.  Titig na titig siya sa litrato ng lalaki na nakadikit sa isang dash calendar na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto niya. Binulugan niya ang litrato gamit ang pulang pentel pen. Kung ano man relasyon nito kay España maliban sa pagiging under boss nito, isasama pa rin niya ito sa hukay. It has been a almost three weeks since her finished her mission. Kaya hindi siya masyadong naglalabas ng kanyang kwarto. She’s only enjoying her freedom without holding and firing a gun. Even though, her mind is still working and thinking how to get her real opponents.  Binalik niya sa dating pagkatihaya ang kalendaryo bago siya lumabas ng kanyang kwarto. Dumiretso siya sa kusina kung saan madalas tumatambay sina Hector at Sebastian, ngunit ang naabutan lang niya roon ay si Sebastian.  Naiiling na binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang tumbler niya. Ininom niya ang tubig no’n habang nakatingin sa likod ni Sebastian. Talagang hindi nagbago ang nakaugalian ng kaibigan niya. Naka-upo ito sa counter habang lumalantak ng sitsirya.  Ibinalik niya ang tumbler sa refrigerator. Lumapit siya sa kaibigan niya saka niya ipinulupot ang kamay sa braso nito. Bahagya pa itong nagulat sa ginawa niya at muntik nitong maihagis ang supot ng sitsirya. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “‘Wag ka naman nanggugulat, o!” bulalas nito. Madumi ang gilid ng labi nito dahil sa pagkaing kinakain nito kanina pa. “Hindi kita ginulat, ‘no?” katwiran niya. “Ang sabihin mo, masyado ka lang magugulatin.” “Nye-nye,” asar ng binata sa kanya at nagpakita ito ng pangit na ekspresyon sa mukha. “Saka pwede ba? ‘Wag ka nga makayapos sa’kin.” Pilit nitong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa braso nito. She softly shoved him, pulling her arm. “Arte nito!”  “Hindi ako nag-iinarte! Kinikilig ako!” Nangingiting tinitigan niya ng maigi ang mukha ng binata. His ears were shaded in pink as well as his cheeks. “Oh my gosh, Seb! You’re blushing!” She blurted out in amusement.  Lalong namula ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na pisilin ang pisngi nito. Dahil do’n, namula na ang buong mukha ni Sebastian. “Please po, tama na!” nguwa ng binata sa kanya. “Papa! Si Luna, hina-harass ako!” “Overacting ka na, hoy!” sabi niya saka binitawan ang pisngi nito. “Si Papa? Nasaan?” Rubbing his cheeks, he glared at her as he answered her question with a question. “Hindi nagpaalam sa’yo?” “Magtatanong ba ako kung nagpaalam?” Natahimik ng ilang segundo ang binata sa tanong niya. “May point ka,” kibit balikat nito. “Anyway, nagpaalam siya kahapon sa’kin na isang linggo raw siyang mawawala. I really don’t know why and what his reason is. Basta pinayagan ko na.” “Wow. Parang ikaw pa ang tatay sa inyong dalawa, ha?” komento niya. Kumuha siya ng pakain sa kinakain nitong sitsirya.  “And he told me to look after you.”  “Para naman akong gagawa ng kabalbalan.” “Hindi pa ba?” Ang kaninang makulit na Sebastian, bigla na lang naging seryoso.  Hindi magawang mag-iwas ng tingin ni Luna, dahil kapag ginawa niya iyon, tiyak na bibigyan niya ito ng justification sa misyon na ginawa niya sa Laketon mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan.  “Hindi pa ba kabalbalan ‘yong ginawa mo sa Laketon, Luna?” “Here we go again, Seb,” bulalas niya sabay ang pag-irap. “How many do I have to tell you na hindi ko alam ‘yang sinasabi mo?” “Oh, please, Luna! Hindi mo naman kailangan mag-sinungaling sa’kin, eh. I know you!” “Yes, you know me. You know me that I will never do that thing without Papa’s consent!” She argued. “But you already done it, Luna! Damn it!” Iiling-iling ang kanyang ulo at hindi na niya ito sinagot. Naglakad siya palabas ng kusina para iwan ito, ngunit hindi niya inakalang susunod ito sa kanya. As she was about to take a step to go upstairs, Sebastian grabbed her arm and made her to face him. Seryoso man ang mukha nito pero hindi pa nito napupunasan ang gilid ng labi nitong madumi dahil sa kinakain nitong sitsirya kanina. “I can’t stop thinking about it, Luna. I can’t stop thinking the day I had a glimpse of you in a news. ‘Yong araw na binalita ang nangyari sa Laketon,” he explained. “Sa sobrang pag-iisip ko, pinanood ko ulit ‘yong balita na ‘yon sa internet — to know if I am only mistaken or not.” Kung ganito pala ang ginawa ni Sebastian — na para bang inimbestigahan ang ginawa niya, there is no use of denying it. Hindi na lang siya nagsalita at piniksi ang kamay nito. Halos takbuhin niya ang hagdan paakyat ng kanyang kwarto.  Sa pagpasok niya roon, kaagad niyang sinara ang pinto at ni-lock iyon para hindi makapasok si Sebastian at kausapin o sumbatan pa siya sa ginawa niya. Nalaman na ni Sebastian ang ginagawa niya pero hindi niya hahayaang hadlangan siya nito sa susunod niyang mga plano. She have to move alone to be able to protect the two men who helped and treated her like she is the most beautiful woman with an uncanny past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD