LUNA | VEINTE QUATRO
“SINABI ko na kasing ayaw kong sumakay sa roller coaster na ‘yon, eh!” reklamo ni Luna nang maabutan niya si Sebastian na hinihintay siya sa labas ng public comfort room.
Pagpasok na pagpasok nila sa amusement park, mabilis na kinaladkad siya nito sa may kahabang pila ng roller coaster ride. Halos ngumuwa at magmakaawa siyang huwag silang sumakay sa rides na ‘yon pero pilit na pilit siya nito hanggang sa nakabili na ito ng dalawang ticket at inasikaso na sila ng staffs.
Noong umusad ang ride pataas, hindi siya makasigaw. Mahigpit lang ang hawak niya sa bagay na naka-secure sa katawan nila habang si Sebastian ay tawa lang nang tawa na pinapanood ang reaksyon niya. Nang bumaba ang rollercoaster, doon na siya nagsisigaw. Walang ginawa ang kasama kundi tumawa nang tumawa hanggang sa natapos ang ride na ‘yon. Sa pagbaba nila, kaagad niyang tinakbo ang banyo at doon nagsuka.
“Once in a lifetime mo lang mararanasan ang sumakay niyon kaya tama lang na tinry mo,” katwiran nito saka siya inabutan ng nakabukas nang isang mineral bottle.
Kinuha naman niya iyon at sumimsim ng tubig para mawala ang nanunuyo niyang lalamunan dahil sa kakasigaw at pagsusuka kanina. “Anong tama lang na tinry ko ‘yon? Hoy, bente otso anyos, pinaaalala ko lang sa’yo na ikaw ang pumilit sa’kin na sumakay do’n.”
“At least,” nagkibit balikat ito. “Naranasan at naramdaman mo na kung ano ang pakiramdam na nakasakay sa roller coaster, ‘di ba?”
“Tangina. Hindi ko magets ‘yang logic mo,” komento niya.
Nang makakita ng isang bench si Sebastian, pinaupo siya nito roon at nagpaalam na bibili lang ng makakain nila. Nang makalayo na si Sebastian, hinubad niya ang suot na sumbrero para suklayin ang pula niyang buhok gamit ang daliri niya. Ginawa niya munang pamaypay ang baseball cap nang makaramdam siya ng alinsangan. When she felt refreshed somehow, she wore it again. Habang inaayos niya ang pagsuot sa baseball cap, naramdaman niya na may umupo sa kaliwa niya.
She used her peripheral vision to know who it was. Bahagyang umangat ang isa niyang kilay nang mapagtantong dalaga ang umupo sa tabi niya. Sa tantsa niya, nasa eighteen lang ito. Nakasuot pa ito ng school uniform na para bang nag-cutting classes pa ito. But no matter what the reason of this student, wala siyang pakialam.
“Ayoko na.” Narinig niya mula sa katabing dalaga. Parang naiiyak ito base sa panginginig ng boses nito.
Bahagya niyang ginalaw ang ulo sa direksyon nito para tingnan kung ano ang ginagawa at kung sino ang kausap nito. Nakita niyang nakalapat ang cellphone nito sa tenga nito. Mababakasan ng luha at pagkatakot ang mga mata nito.
Lihim na napabuntong hininga siya bago tinuon ulit ang tingin sa harap niya pero hindi niya maiwasang makinig sa sinasabi ng dalaga sa kausap nito sa telepono.
“Why don’t we tell the police about what Mr. White and his other staff are doing to his students? To us? Hindi na makatao itong ginagawa nila,” anito. “I do not like to go to that school anymore. I’m done with them! Ayoko nang mababoy.”
Kung ano pa ang mga hindi inaasahang narinig niya mula sa katabing dalaga na naging sanhi ng panlalaki ng mga mata niya. Ilang minuto ang nakalipas, wala na siyang narinig pa mula sa dalaga. Marahil ay tapos na ang pag-uusap ng kausap nito sa telepono. Sa pakikinig niya, may nakuha rin siyang ilang impormasyon.
Hindi niya ugaling makisawsaw sa mga ganitong sitwasyon pero she was also a r*pe victim. Hindi niya kayang balewalain o ipagwalang bahala ang narinig niya mula sa dalaga — na minolestiya ito ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan nito.
Maingat at tahimik na tumayo siya saka niya kinapa ang likod ng bulsa ng kanyang pantalon. Nang matanto niyang nakapagbulsa siya ng isang info card. Hinugot niya iyon at pasimpleng nilapag sa bench saka na siya lumayo sa spot na ‘yon at hanapin si Sebastian.
Bahala na kung kokontakin siya ng dalaga na ‘yon. Kung ibibigay man nito ang impormasyon tungkol sa kung saan ito nag-aaral at kung paano ang pamamalakad at kung sino ang namamalakad sa eskwelahan na ‘yon. Siya na ang gagawa ng hakbang para bigyan ng hustisya ang mga dalagang iyon.
She might be doing something without Hector’s approval but she cannot just slide what those girls had been through.
꧁꧂
GABI na ng makauwi sila ni Sebastian. Dumiretso agad siya sa kwarto para makapagpalit ng damit pambahay at i-check ang website na ginawa niya limang taon na ang nakakaraan. Pinangalanan niyang Code Name: L ang website na ‘yon at doon niya natatanggap ang mga impormasyon na binibigay ng mga ka-deal niya. Ang link ng website ay ang naka-input sa info card na iniwan niya sa bench kanina. And the said website is out of Hector and Sebastian’s league. Hindi niya pinaalam sa mga ito ang bagay na ito dahil sa isipang hindi sang-ayon ang mga ito. Lalo na si Hector. Hindi nito magugustuhan kung malaman nitong kumikilos siya ng patago at walang permiso nito.
With the said website, she believed, makakahanap o makakatanggap siya ng lead sa taong pumatay sa pamilya niya at sa lalaking hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan. Simula nang unang pagkakataon na nakapatay siya, pinaniwalaan na niyang nakukuha ang hustisya sa pamamagitan ng pag-dungis ng palad gamit ang dugo. Hindi pwede ang konsensya sa propesyon niyang iyon — sa propesyong pinili nila. Hindi nila makakamit ang hustisyang matagal nilang hinahanap kung kakainin o magpapadala sila sa konsensya at bugso ng emosyon. Tama lang ang sinabi ng ama-amahan niya sa kanya noon na, "There is no conscience or manners in this battlefield.". Kapag nakonsensya ka, talo ka. Wala ka nang hustisyang makukuha at ngangatngatin pa ng pagsisisi ang sistema mo.
Nang wala pa siyang natanggap na mensahe, in-off niya ang laptop at pinatong iyon sa bedside table. Binagsak niya ang katawan sa kama at napatitig na lamang sa kisame. Iniisip niya kung paano siya makakapasok sa eskwelahan na ‘yon kung sakaling ibigay ng dalaga na nakatabi niya sa amusement park kanina ang impormasyon ng eskwelahan na pinapasukan nito.
Kinabukasan, paggising niya ng umaga, unang sumagi sa isip niya ang dalagang estudyante na tumabi sa kanya kahapon. Kaagad niyang kinuha ang laptop na nakapatong sa bedside table niya at in-on iyon. Pumunta siya sa website niya at chineck kung may mensahe siyang natanggap pero katulad nang kagabi, nadismaya siya nang wala siyang natanggap.
“Maybe, she did not notice my info card,” she whispered to herself, half question and half statement.
Naiiling na in-off niya ang laptop at pinatong ulit ‘yon sa bedside table. Nag-desisyon na siyang tuluyan nang bumangon at maghanda para sa araw na ‘yon. May naka-schedule silang importanteng lakad para sa araw na ‘yon kaya kung hindi pa siya nakababa ngayon, baka bulabugin na siya ni Sebastian. Ang lalaki pa naman ‘yon ang nagsilbi niyang alarm clock kapag alam nitong tamad pa siyang tumayo at bumangon.
She took a quick bath. Masyado siyang tamad kumilos nang umagang ‘yon. Tanging pantalon at kulay kremang sweatshirt hoodie ang sinuot niya na pinaresan niya ng converse shoes. Hinayaan niyang nakalugay ang pula niyang buhok na hanggang balikat ang haba. Sinuot niya muna ang hood ng sweatshirt bago siya tuluyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Naabutan niyang nag-aalmusal na ang mag-ama. Nakabihis na rin ang mga ito katulad niya. Kaso hindi gano’n kasimple ang suot ng mga ito. Naka-long sleeve polo ang mag-ama at naka-itim na pants. Parang a-attend ang mga ito sa kasal.
“Gandang umaga, binibini!” bati ni Sebastian nang makaupo na siya sa nakagawiang pwesto niya.
Tinanguan lang niya ang binata. Kumuha lang siya ng tinapay at ang nakatimpla ng kape lang ang magiging agahan niya.
“Hindi ka kakain ng kanin?”
Kumagat siya ng tinapay at saka umiling bilang sagot sa tanong ni Sebastian.
“Bakit naman?”
“Baste, parang awa mo na,” pakiusap ni Hector sa anak. “Huwag ka ng matanong, pwede ba?”
“Hindi pwede, ‘Pa.”
Napabuntong hininga na lang si Luna nang magbangayan na naman ang mag-ama. Talagang hindi nakukumpleto ang araw ng dalawang ‘to nang hindi nag-aasaran.
Nang matapos sila sa kanilang agahan, isa-isa silang nag-sipilyo sa lababo sa kusina. May kanya-kanya silang sipilyo roon para sakaling nakalimutan nilang mag-sipilyo sa kani-kanilang banyo, makapag-sipilyo man lang sila sa kusina.
Nagpahuli siya sa paggamit ng lababo. Nang kunin niya ang sipilyo na nasa isang case, napansin niya ang nagtatakang tingin ng dalawa sa kanya.
“B-Bakit?” nautal pang tanong niya sa mga ito.
“‘Di ba, alam mo namang maaga tayong aalis ngayon?”
Tumango siya sa tanong ni Sebastian.
“After you brush your teeth, aalis na tayo niyan.”
“Alam ko. O, tapos?”
“G-Ganyan lang ang get up mo?”
Tiningnan niya ang suot saka muling tiningnan si Sebastian. “May mali ba sa suot ko?” Nang hindi siya sinagot nito, nilipat niya ang tingin kay Hector. “Papa? Anong mali sa suot ko?”
Saglit na tiningnan nito ang anak saka tumingin sa kanya. Tumikhim ito bago nagsalita. “Our acquiantances expect us to be formal, Luna.”
“Tss. Formal,” bulalas niya. Tinalikuran niya ang dalawa at humarap sa lababo. Kinuha niya ang toothpaste at saka nilagyan ang sipilyo niya.
Wala siyang narinig ni kaluskos sa likuran niya habang nagsisipilyo. Nang matapos siya, kinuha niya ang sariling towel na nakasabit sa isang cupboard at pinunasan ang bibig niya. Sa pagharap niya, naroon pa rin ang dalawa at bakas sa mukha nila ang hindi pagkapaniwala.
“Bakit na naman?” nanlulumong tanong niya.
“Hindi kaya mabugbog ‘yan, ‘Pa?” bulalas ni Sebastian.
Sumagot si Hector. “Hindi naman siguro. Baka matutukan lang ng baril.”
Napakamot siya sa sariling buhok. “Anong pinagsasabi niyo? Tara na nga!” wika niya at saka nilagpasan ang dalawa.
Dumiretso siya palabas ng bahay at sumakay sa loob ng kotse. Ilang segundo lang ay sumunod na sa kanya ang dalawa. Sumakay ng driver’s seat si Hector habang si Sebastian ay sa passenger seat.
Sa loob ng byahe, palagi ang paglingon sa kanya ni Sebastian. Kung hindi siya nito nililingon, napapansin niya ang pagsulyap nito sa kanya gamit ang rear mirror.
Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Nayayamot na pinagsabihan niya ito. “Ano ba, Seb? Pwedeng tumigil ka? Para kang natatae na ewan.”
“Eh kasi naman! ‘Yong suot mo!”
“I don’t see anything wrong with my clothes!”
“But I do! You are just wearing a hoodie and pants! Ang plain!” balik nito sa kanya. “Formal meeting ‘yong pupuntahan natin, hindi amusement park.”
“Naku naman, Baste! Suot lang ‘to. Huwag mong gawing issue.”
Sebastian groaned as he grabbed onto his own hair. He faced his father with frustrated face.“Papa, pagsabihan mo nga! Ang tigas ng ulo!”
She crossed her arm as she decided. “Edi kung ayaw mong mapahiya, maiiwan na lang ako sa kotse.”
Tiningnan siya nito gamit ang rear mirror. “No, Luna—”
“No, ‘Pa,” putol niya sa sasabihin nito. “It’s okay. Maiiwan na lang ako sa kotse.”
Ang kaninang maingay na byahe, naging tahimik dahil sa sinabi niya. Mababakasan naman ng guilt si Sebastian dahil doon. Pero hindi naman big deal sa kanya kung maiiwan siya sa kotse. Ayaw din naman niyang maiwan sa bahay kaya maigi na ‘to.
Makalipas ang mahigit isa’t kalahating oras na byahe, huminto ang kotse sa tapat ng isang limang palapag na building. Naka-carve ang pangalan ng company building na ‘yon ito bold fonts: Sonashi. Base sa pangalan na ‘yon, parang Japanese ang may ari.
“Sure ka bang gusto mong maiwan, ‘nak?”
Tumingin siya kay Hector at saka tumango. “Opo, ‘Pa. Hihintayin ko na lang kayo rito.”
Tinitigan muna siya nito ilang segundo bago bumuntong hininga saka inaya na si Sebastian. Nag-sorry pa ang binata sa kanya bago ito bumaba ng kotse. Pinanood niya ang dalawa na pumasok sa loob ng Sonashi building.
Para maiwasan niya ang inip, kinuha niya ang touchscreen na cellphone at agad na pinuntahan ang kanyang website. Hindi niya alam kung bakit naghihintay pa rin siya ng impormasyon mula sa dalaga na ‘yon.
Sa pangalawang pagkakataon nang umagang iyon, nadismaya siya nang walang notification. Sigurado na siya, hindi napansin ng estudyante na ‘yon ang info card na iniwan niya.
Io-off na sa niya ang cellphone nang tumunog ito at nag-pop up ang isang notification. Hindi siya nag-alinlangan at cinlick niya iyon.