QUINCE

1222 Words
LUNA | QUINCE MATAPOS ang pag-uusap nina Isabel at Hector nang umagang ‘yon, hindi masyadong nagkikibo si Isabel. Nakakausap man nila ito ay hindi ito masyadong sumasagot. Hanggang kibit balikat o tango at iling lang ito. Hindi man nakaligtas kay Sebastian ang pananahimik ng gano’n ng dalaga pero pinalipas na muna niya iyon. Limang araw bago ang pista ng kapaskuhan, hindi nagbago ang pananahimik ng gano’n ni Isabel kaya hindi na nakatiis si Sebastian. Pinuntahan niya ang dalaga sa kwarto nito. Nadatnan niya itong nakaupo sa kama at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nakatutok ang mga mata nito sa binabasang libro. Nang maramdaman nito ang presensya niya, lumingon ito sa kanya. He was not sure if he really saw she raised her right brow at him before she put her attention back to the book. He opened the door widely before he rested his back on it, crossing his arms “Ilang araw ka nang tahimik, binibini,” panimula niya. “Hindi ka naman ganyan—” “Ganito na ‘ko,” putol ng dalaga sa sasabihin niya. Sinabi nito iyon nang hindi siya nito nililingon. “Ano bang kailangan mo?” Napabuntong hininga si Sebastian at napaisip. “Oo nga ‘no? Ano nga bang sinadya ko rito?” tanong niya sa sarili pero nang maalala niya ang usapan ng kanyang ama noong mga nakaraan, parang may lightbulb na lumitaw sa ulo niya. “Oh, yes! I remembered! After this year, Papa will enroll you to school where I am studying—” Natigilan siya nang mapansin ang seryosong mukha ni Isabel nang isara nito ang libro at naglikha ‘yon ng mahinang tunog. Doon siya nito nilingon. “Ayoko nang pumasok sa eskwelahan. Hindi naman ako matuturuan ng mga teachers kung paano humawak ng baril o anumang weapons.” Parang gustong manuntok ng pader ni Sebastian sa narinig niya mula rito. Talagang isinisige nito ang gusto. Umayos siya ng tayo at nakipagsukatan ng tingin sa dalaga. “And you think, that’s the right thing to do?” “Eh, hindi ba, ‘yon naman ang sa tingin niyo ang tama?” balik nito sa kanya. “You are going to be like your father, Seb, right? Sorry for eavesdropping in your conversation but you promised him you’ll find the assailant of Luna once he’s gone.” He paused on what she stated. Tama ang sinabi nito na nangako siya sa ama niya na kung hanggang sa mamatay ito at hindi pa mahanap ng kanyang ama ang taong pumatay at nagpapatay sa nakakatandang kapatid niya, siya ang maghahanap dito.  He might be yellow but he has still the shade of anger towards those criminals. Mula nang malaman niyang miyembro ng gobyerno ang nagpapatay sa kapatid niya, nagalit siya. Sobrang pagkamuhi ang naramdaman niya sa mga politiko at gobyerno nang mangyari iyon sa ate niya. He disgust the society and government they lived in. Kaya kahit alam niyang mali ang ginagawa ng ama at mali ang gagawin niya, pero para sa nakakatandang kapatid niya, handa siyang madungisan ng dugo ang mga kamay niya. Hector did not favor him becoming an assassin like him. Hindi naman talaga ito pabor na maging katulad niya ito. Katwiran nito ay kaya raw siya nag-aaral para maging mabuting mamamayan. Eh, paano naman ‘yong politikong nabanggit sa kanya ng ate niya? Hindi ba sila nakapag-aral kaya naging masamang politiko at mamamayan ang mga ‘yon? Sometimes, he do not get the logic.  “Kaya please, Seb, pakiusapan mo ang Papa mo na tulungan ako.” He knew, she does not sound desperate but the willingness to become like one. Sebastian silently examined her face. Nawala na ang ilang marka ng sugat nito sa mukha. Kung noon ay maputla ito, ngayon hindi na ito maputla at kulay pula na ang mga labi nito. Hindi na rin malamlam ang mga mata nito. May mga gabi nga lang talaga na naririnig pa rin niya ang pag-iyak nito marahil sa napapaginipan nito ang nangyari nang nakaraang buwan. Napabuntong hininga si Sebastian. Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan siyang lumabas ng kwarto nito at sinara ang pinto. Ilang minuto rin siyang nakatayo sa tabi ng pinto, hawak-hawak ang doorknob bago siya nagdesisyong hanapin ang ama para kausapin ito.  Nang madaan siya sa portrait ng nakakatandang kapatid, huminto siya sa tapat niyon at tinitigan ang mukha nito.  Naalala niya noong umagang iyon ay nabanggit ni Isabel na napaginipan nito ang kanyang ate. Pero hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanila ng kanyang ama kung ano ang nangyari sa panaginip ng dalaga.  Sa ikatlong pagkakataon sa araw na ‘yon, nagpakawala siya ng buntong hininga. “Ate, i-chika mo naman kung ano ‘yong nangyari sa panaginip ni Isabel at kung ano ‘yong ginawa o sinabi mo para magkaganyan siya,” nakalabing wika niya na para bang magsasalita pabalik sa kanya ang portrait.  Bago pa magsalita ang portrait at sagutin ang tanong niya, minaigi na niyang bumaba ng ikalawang palapag. Hinanap niya ang kanyang ama sa unang palapag. Alam naman kasi niyang hindi naglalagi ang ama sa kwarto tuwing umaga at hapon. Kung wala ito sa sala para manood ng soccer, nasa kusina ito at nagluluto ng kung ano. Pero wala ito sa kusina. Dumiretso siya palabas ng bahay at nagtungo sa maliit na garden. Just like what he expected, he was in their small garden, sitting in the wooden bench. Nakatingin ito sa mga hanging plants na nakasabit sa pader ng bahay at sumisipol-sipol pa ito.  Lumapit siya rito at tumikhim bago umupo sa tabi nito. Bahagya pa itong nagulat nang magdampi ang kanilang mga braso. “Kailangan mo?” Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. Wala na yatang katapusan ang pagbuntong hininga niya. “Si Isabel, Papa.” Umayos ng pagkakaupo ang kanyang ama. Pinatong pa nito ang kaliwang braso sa sandalan ng bench at saka tinuon ang atensyon sa kanya. “Ano’ng meron?” “Ayaw daw niyang mag-aral kasi raw hindi naman siya matuturuan ng mga guro sa eskwelahan ang tamang paraan ng paghawak ng baril.” Parang batang maktol niya. Tinawanan naman siya nito at ginulo ang kanyang buhok. “‘Wag kang mamroblema, ano ka ba? Ako ang bahalang kakausap sa kanya.” Bahagya siyang tumango habang nakatitig sa bermuda grass. “Kaya pala pamilyar ‘yong apelyido niya, ‘no, ‘Pa? Anak pala siya no’ng newscaster ng CZN News. Pero ‘yong magulang niya, naibalita last month, ‘diba?” “Yes. Sabi pa nga sa balita noon na binaril daw ni Ruiz ang asawa niyang babae dahil sa away mag-asawa nila tapos ayon, nagpakamatay daw ‘yong lalaki,” sabi nito. “Pero taliwas iyon sa kinwento sa’yo ni Isabel, ‘di ba? Pinatay daw ang mga magulang niya sa mismong harapan niya tapos na-kidnap pa siya. Look how the investigation hide such a sensitive truth. Hindi na sila naawa sa pamilyang Ruiz.” Hindi maiwasang isipin ni Sebastian na kung siya si Isabel at ganito ang nangyari sa kanya, mas gugustuhin na rin niyang makuha ang hustisya sa pamamagitan ng pagdungis ng mga palad. Sa totoo lang ay walang kakampi si Isabel na pulis o kahit sino mang miyembro ng gobyerno. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD