LUNA | VEINTE NUEVE
“NARITO ang balita ngayong hapon, mga kabayan. Laketon Academy, sangkot sa isang prostitution scheme. Karamihan sa mga estudyante, mapa-babae man o lalaki, ay biktima sa ilegal na gawain ni Leon Laketon — ang may-ari ng naturang eskwelahan — at kasama ang anak nitong si Chino Laketon.
Natagpuan naman ang bangkay ng mag-ama sa sinasabing secret room ng Laketon Academy. Laslas ang leeg ng mag-ama habang ang lima pang lalaki na kasama ng mga ito ay wala na ring buhay. Sinimulan na ng imbestigahan ng mga pulis kung sino ang tunay na pumaslang sa mag-ama. Sasha Castro, nag-uulat.”
Nagpatuloy man ang patalastas sa telebisyon pero ang isip ni Sebastian ay naiwan sa katatapos lang na balita. Kunot ang noo na nakanganga siya habang pinipilit sa sarili na namalik-mata lang siya sa nakita.
“Si Luna ‘yon, ha?” bulalas niya.
Hindi niya pinansin ang mahinang pagsapok sa kanya ng ama at ang pag-upo nito sa mahabang sofa. “Para kang engot, ‘nak. Ano pinagsasabi mo?” tanong nito sa kanya bago sumubo ng tsitsirya.
Saglit na nilingon niya ito at binalik din ang tingin sa telebisyon. Kasalukuyang pinapalabas na rito ang soccer na kanina pa nila pinapanood. “Hindi mo ba nakita ‘yong balita kanina, Papa?”
“O, anong meron sa balita?”
“Nakita si Luna.”
“Luna? ‘Yong ate mo o si—”
“Si Ruiz,” he answered plainly.
Sebastian became more serious as he tried to recall what he saw on news. He can’t be mistaken. Paborito niya ang kalabasa kaya mas malinaw ang mga mata niya kesa sa pagtingin sa kanya ni Luna. Hindi siya nasisiraan ng ulo at hindi siya nagkakamali na nakita niya si Luna sa balita — more like sa eskelahan na binalita ng CZN Network.
“Sigurado ka bang siya ang nakita mo o sobrang miss mo lang si Luna? O ‘di kaya ay ginugutom ka lang, Baste?” banat ng ama niya na tila ba puno pa ang bibig nito sa kinakaing tsitsirya.
Sumandal si Sebastian sa sofa at nagsimula siyang mag-isip, isipin ang mga nangyari. It has been two weeks and two days since he last seen Luna. Nang tumawag siya rito noong unang tatlong araw na wala ang dalaga sa bahay. Balot na balot ng pagkayamot ang boses nito. Well, kunsabagay, kahit naman siguro siya ay mayayamot kung may tumawag sa kanya ng hating gabi. But Sebastian can’t help it. Sobrang miss na niya si Luna at baka tuluyan siyang mabaliw kung hindi niya man lang marinig ang boses nito.
But Sebastian has this gut feeling, Luna did not stay two weeks on the condo she bought. She did something without Hector’s content. She was sure of it.
Nilingon niya ang ama na todo makalantak sa tsitsirya. Kung nasa kabaliwan lang siya ngayon ay tiyak na inasar pa niya ito. “‘Pa,” pagpukaw niya sa atensyon nito.
Mabilis ang naging pagsulyap nito sa kanya at tinuon ulit ang atensyon sa pinapanood na sport. “Ano na naman? Pwede mag-focus ka muna sa panonood?”
Hindi niya pinakinggan ang ama. Nagpatuloy siya sa pagtatanong. “Alam mo ba kung anong address no’ng condo na binili ni Luna last month?”
Natigilan ito ng sandali at tila nag-isip. “Yes, I do have it,” pagkuwan ay sagot ng ama niya habang ngumunguya ng popcorn. “But she told me not to give it to you.”
Napakunot noo siya sa narinig. “Why not?”
“Kasi alam niyang madalas ang magiging pagtambay mo roon.” He shrugged.
‘That’s not fair!’ bulalas niya sa kanyang isip. Pero hindi niya magawang magmaktol na parang bata ngayon.
He can’t just let slide what he saw on television. Without any second thoughts, he stood up and head towards at Luna’s room. He was invading her privacy, yes, but the curiousity and the truth keep poking his consciousness.
Mabibilis ang mga hakbang at ang pagbukas niya ng pinto ng kwarto ng dalaga. Nanuot pa sa ilong niya ang pambabaeng amoy ng kwarto nito. Oh, how he miss her scent. Sa pagpasok niya sa kwarto ay bahagya pa siyang natameme kung ano ang gagawin niya sa loob — kung ano ang magpapatunay na nasa condo ba talaga ito o ito talaga ang nakita niya sa balita kanina. And the fact that the two owners of Laketon Academy was found dead.
“Laslas ang leeg.” Naiyukom ni Sebastian ang kanyang kamao nang maalala ang pahayag ng newscaster kanina tungkol sa sanhi ng pagkamatay ng mag-ama. “It was Luna’s way to knock down an opponent!”
Kusang gumalaw ang katawan ni Sebastian. Lumapit siya sa wardrobe ng dalaga at pinagbubukas ang mga iyon. He was looking something from the lower compartment. Kapag nalaman niyang wala ang hinahanap niya, mapupunan na ang hinala niyang ito ang pumaslang sa mag-amang Laketon.
“I knew it!” palatak niya at saka nasampal ang sariling noo nang makitang wala ang kahon ng dagger nito.
Humahangos na lumabas siya ng kwarto nito at pinuntahan ang ama na hanggang ngayon ay nanonood pa rin ng soccer sa telebisyon. Kung paano niya ito iniwan kanina ay hindi nag-iba ang posisyon nito. Naka-indian sit ito sa sofa habang nilalantakan pa rin ang tsitsirya.
Ibubuka na niya ang kanyang bibig para sabihin sa ama ang nalaman pero biglang sumagi sa isip niya na kung isusumbong niya agad si Luna ay tiyak na pagagalitan ito. Well, pati siya ay siguradong mapapagalitan. Kargo nga silang dalawa ni Hector pero kargo rin naman niya si Luna pagdating sa ibang bagay. His father told Luna before that she should be treat him like a mentor. Kung may gawin mang kabalbalan si Luna ay mananagot din siya.
Sebastian rubbed his face with his palm in frustration. Hinablot niya ang isang pakete ng sigarilyo at lighter na nakapatong sa coffee table. Lumabas siya ng bahay at iniwan ang ama na nagiging hyper na sa pinapanood nitong sports.
He leaned against the pillar at the entrance of their house. He stuck the cigarette butt between his lips as he started to light up his cigarette. He took a puff from it as he looked up and slowly blew the smoke into the thin air. Luna really messed up this time if ever he told Hector about this.
Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nauupos na ang unang sigarilyo na sinindihan niya. He took one last puff from it before he threw the cigarette butt and stepped on it to remove the burning end. Eventually, Sebastian stood up straight when the gate slightly opened and he saw Luna entered.
Nang maisara nito ang gate at humarap sa direksyon ng entrance door, natigil ito sa paghakbang nang makita siya.
“You did something without the consent of Papa, didn’t you?” His eyebrows furrowed, looking at her intently.