LUNA | SESENTA Y DOS SAKAY ang isang itim na pickup truck, bumiyahe papuntang Cosa Amorio si Isabel. Hinalughog niya ang buong internet map at kung ano-anong page-encode ang ginawa niya ma-trace lang kung saan nagtatago si Damon España. Ilang oras ding nakaupo sa harap ng computer si Isabel. Habang sinasagawa niya ang pagte-trace sa lalaking pumatay sa magulang niya at kina Hector at Sebastian, iniisip na niya kung paano niya ito tatapusin. Hindi pwedeng maunahan siya ni España. Tatapusin na niya ito bago pa siya nito maunahan sa hukay na ginawa niya para sa crime leader. Binigyan niya mabilis na sulyap ang isang kulay asul na duffle bag na nakaupo sa passenger seat ng kanyang pickup truck at kaagad din niyang tinutok ang tingin sa highway. Naglalaman iyon ng iba’t ibang uri ng baril, b

