LUNA | CINCUENTA Y OCHO “IS it really okay with you calling by your real name now? I mean, the last time I tried to call you with that name, nagalit ka sa’kin,” ani Sebastian kay Isabel habang papasok sila sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang niya. Pinagpyestahan din kasi ng medya ang pagkamatay ng mag-asawang Ruiz noon, kaya’t alam na alam ng binata kung saan inilibing ang mag-asawa. May ilang tao rin silang nakita ni Sebastian sa naturang sementeryo. Mayroon itong dala ng mga bulaklak para ibigay sa mga namayapa nilang mahal sa buhay. Bitbit ni Isabel ang dalawang basket ng bulaklak habang pinapayungan naman siya ni Sebastian. Tinapunan niya ng sulyap ang katabi. “Kahit ano pa ang itawag mo sa’kin, wala ng kaso sa’kin,” sagot niya. Ngumisi ito sa tinuran niya. “Sinab

