CHAPTER 88 Tahimik na nakaupo lamang si Gaurav sa harapan ng labi ng ama n'ya habang magkasalikop ang mga palad n'ya. Mariin niyang iniisip at inaanalisa ang mga bagay bagay na nangyari sa buhay n'ya ngayon. Kung sa pera lang naman ang iisipin ay batid niyang sobra sobra na no'n ang mayroon s'ya at kung tutuusin ay puwedeng puwede n'ya na ngang iwanan ang grupong ito. Sa katunayan no'n ay marami ang naghahangad na makuha ang posisyon na iniwan sa kan'ya ng ama amahan at hindi rin s'ya mahihirapan kung sakali mang ipasa na lang n'ya ang obligasyon at responsibilidad sa ilan sa mga pinagkakatiwalaan n'ya. Ngunit hinding hindi n'ya iyon gagawin. Matagal niyang hinihintay ang pagkakataon na ito na mapatunayan n'ya ang sarili n'ya sa ama amahan n'ya dahil alam niyang hindi biro ang mga pinagd

