Tahimik ang lahat sa loob ng patrol car habang binabaybay nila ang daan patungo sa presinto. Nakaupo si Gaurav sa likuran at napapaligiran s'ya ng mga armadong lalake at hindi naman s'ya nakaramdam ng kung ano pa man dahil batid niyang nakasunod naman sa likuran lang nila ang mga kaibigan n'ya upang alalayan s'ya ng mga ito. Tinawagan na rin ni Jed ang abogado nila at alam niyang mamaya rin ay nakasunod na ito sa kanila. Isang bagay lang ang hindi n'ya masikmura sa mga sandaling iyon, at iyon ay walang iba kung hindi ang mabahong nginunguya ng katabi n'ya. Para itong lambing na ngumunguya ng d**o sa totoo lang at konting-konti na lang ay malapit na itong makatikim ng salita sa kan'ya ngunit pinananatili lang n'ya ang kalmado niyang sarili dahil sa mga pagkakataong ganoon ay mas mabuting

