11:00 pm na nang makarating ang grupo nila Helix sa mansyon nila Morgan Luper at halos nasa bungad pa lang sila ng gate ay dinig na dinig na nila sa loob ng sasakyan ang dumadagundong na tugtugan sa loob ng malaking bahay na iyon. Napailing na lang si Helix dahil mukhang nagdiriwang na naman ang ama n'ya dahil malaking pera na naman ang nakubra ng grupo nila ngayon.
Nagpakawala na lang s'ya nang malalim na buntong hininga dahil sa pagod na nararamdaman. Kanina pagkaalis nila sa headquarters ng TLP ay siniguro pa ng grupo n'ya na hindi ang mga ito nakabuntot sa kanila kaya sa halip na dumiretsyo na sila pa-Maynila ay umikot pa sila sa Tagaytay. Nag-iingat lang sila dahil kung naaalala n'ya pa noon minsan na naka- transaksyon nila ang isa ring underworld syndicate ay inonse sila ng mga ito at sinubukan na bawiin ang perang hawak-hawak nila noon.
Doon nga nasawi ang halos dalawampu'ng kasamahan nila noon kaya siniguro n'ya na ngayon na hindi na muling mauulit iyon. Bumusina s'ya ng dalawang beses at kaagad namang may lumapit doon para pagbuksan sila. Napailing s'ya nang masilip kung ano ang nagaganap sa loob ng malawak nilang mansyon. Kasama na naman ng ama ang mga kaibigan nito na noon pa man ay hindi n'ya pinagkakatiwalaan ang mga karakas ng pagmumukha ng mga ito.
Pinasok n'ya ang kotse sa loob at nang maiparada iyon sa parking area ay lumabas na silang lahat. Natanaw n'ya ang ama na may hawak ng kopita na may laman ng paborito nitong alak at sa harapan nito ang mga kaibigan na kasamahan din nila sa Blackship.
"At last you're here. We've been waiting all of you here and I think this is the perfect time to settle our deal with Mr. De Asis right?" nakapaskil sa mukha nito ang pekeng ngiti na madalas nitong gamitin para magmukha itong katiwa-tiwala.
Napalingon s'ya sa likuran dahil humikab ang kasama nilang si Brix kung kaya't siniko ito ng katabi nitong si Makoy. Marahil ay gusto na nitong iparating sa ama n'ya na pagod na sila at inaantok na ang lahat kung kaya't ginawa nito iyon. 'Di kasi lingid sa kaalaman nila na kapag ganitong may malaki silang pera kaagad na nagsusulputan ang mga so-called friends ng ama n'ya kahit na 'ba wala ang mga itong kinalaman sa deal nilang iyon. Galante si Morgan Luper at iyon ang isa sa mga dahilan kung kaya't walang makaagaw sa posisyon nito sa grupo.
"I hope you don't mind Dad, but we need to take a rest first. Pagod na lahat ang mga kasama ko and I think you knew how stressful our day just to get this," inangat n'ya sa mga ito ang mabigat na itim na bag kung saan nakalagay ang limpak-limpak na naman nitong salapi.
Pagkawika niyon ay nilagpasan na nila ang mga ito at lihim siyang napangiti. His Dad knew him. Hindi lingid sa kaalaman n'ya kung paanong gusto siyang siraan ng mga kaibigan nito sa ama n'ya dahil nalalapit na nga ang "switching" ng leadership sa black market nila. Walang sino mang makaka agaw sa posisyon n'ya bilang next mafia prince. Not even his f*****g asshole friends.
"Ang lakas mo do'n ha?" nakangisi siyang tinapik ni Phoenix. Nakapasok na sila sa malawak nilang mansyon at pagak siyang tumawa nang makita ang loob ng malawak nilang sala. Umiling na lamang s'ya dahil nakakalat doon ang mga amigo ng ama n'ya sa mga sofa nila at lasing na ang Ilan sa mga ito. Lumapit s'ya sa isa sa mga ito upang gisingin. Inangat n'ya ang paa at idinikit n'ya ang sapatos sa mukha nitong tulog na tulog.
"Wake up b***h. 'Wag mong dungisan ang pamamahay ko. Hmp.. ay ang kapal mo ha?" akma niyang hahablutin ito sa damit nang isang tinig ang umawat sa kan'ya.
"Stop it Gaurav!" naniningkit ang mga matang awat ng ama n'ya at 'di tulad kanina na maganda ang ngiti nito, ngayon ay nanlilisik ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa kan'ya.
"Mauna na kami boss," boses iyon ni Makoy dahil kanina pa ang mga ito inaantok pati na rin ang iba pa nilang mga kasamahan. Nilingon n'ya muna ang mga ito at tumango s'ya bago n'ya muling hinarap ang ama.
"What now Dad? Aren't you going to at least thank me? Muntik na naman kami magka lagasan kanina while you and your asshole buddies are safely waiting here," he sarcastically said.
Isinuksok nito ang kamay sa bulsa nito at blangko ang ekspresyon nitong tumingin sa kan'ya. " Okay, magpahinga ka muna then tomorrow morning may sasabihin ako sa'yo. Don't worry it's not about our business it's about someone," tumalikod na ito at inangat ang kaliwang kamay na may hawak na sigarilyo. His dad was a real chain-smoker. In fact sa pagka humaling nito sa bisyong iyon ay nagawa pa nitong mag-invest sa isang cigarette company. Gusto raw nitong magkaroon ng brand ang pangalan nito sa market but he didn't take it seriously. His dad was always between serious- bobly guy.
Bluefox headquarters
Sa mahabang lamesa ay nagtitipon-tipon ang mga kasapi ng Bluefox at tahimik lang ang mga itong naghihintay na magsalita ang pinuno ng grupo na si Taronian Lorie aka Taro sa grupo. As expected ay kumaliwa na nga ang kabilang grupong pinamumunuan ni Morgan Luper, sa pangunguna ng anak nitong si Helix at inaasahan naman din n'ya itong mangyayari. Ngayon ay nag-uusap sila upang mapagplanuhan nila kung ano ang gagawin nilang susunod na hakbang para maunahan na ang TLP dahil alam na alam naman nila na sila ang uunahin ng mga ito.
As of now ay tigil ang operations nila dahil nag-resign ang katukayo nilang staff sa isang ahensya dahil na rin sa nasilipan na ito ng katiwalian kaya hindi pa nila ngayon magawang makapag-angkat ng mga
bagong armas.
"We are not going to tolerate this. Is there any conspiracy here? Bakit n'yo hinayaan na makuha iyon ng grupo nila Morgan?" nanggagalaiti sa galit si Mr. Park ang half-chinese na isa sa mga investors nila sa trading.
"Look, I'm the boss here and I don't think that it's right for you to question me here. I know what I'm doing so could you all please give this to me!?" his eyes snapped to him immediately and he can't help but frown. Pinaka ayaw n'ya pa naman sa lahat iyong pinangungunahan s'ya.
Tumayo na ang mga ito at tila hindi nagustuhan ang sinabi n'ya. Hindi n'ya puwedeng hindian si Gaurav. Kinukuha pa lang n'ya ang loob nito kaya kung kinakailangan na maglapag muna s'ya ng alas para makuha ang loob nito ay gagawin n'ya.