Halos habulin ni Astrid ang hininga n'ya sa sobrang hingal n'ya ngunit hindi n'ya inabot ang sasakyan na minamaneho ni Gaurav. Masyado itong mabilis magpatakbo at kahit na 'ba nakasakay s'ya sa motor nito ay hindi n'ya kinaya ang bilis nito. Ibabalik lang naman n'ya ang motor na ipinahiram nito sa kan'ya at baka sabihin pa nito ay ninakaw n'ya na iyon dito. Ayaw n'ya rin na magkaroon s'ya ng utang na loob rito dahil hindi rin naman lingid sa kaalaman n'ya kung anong uri ito ng motor. Sa pagtatanong tanong n'ya at dahil nakita na rin ito ng ilan sa mga kasamahan n'ya noong nagpunta ang mga ito sa apartment n'ya ay nasa kalahating milyong piso ang halaga niyon. Nakatanggap lang s'ya ng tip mula sa pinsan n'ya galing kay Sunshine na nagkita ang mga ito kanina lang sa racing track arena na iy

