Halos maduling na si Phoenix sa dami ng mga tao sa racing field. Nagmamadali niyang ipinark ang kotse at saka nagsimula na siyang maghanap kung nasaan si Gaurav. Alam niyang hindi na s'ya nito pinayagan na sumama rito, ngunit hindi naman n'ya mapapalampas ang araw na iyon. Naglakad lakad pa s'ya at sa wakas nga ay nakita n'ya rin ito. Guwapong guwapo itong nakasuot ng red fitted racing ouffit at sa mga kamay nito ay hawak nito ang helmet na kulay pula rin. Nakita n'ya ang pagkunot ng noo nito nang mapansin s'ya nito ngunit balewala n'ya lang itong kinawayan. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman 'to?" nang makalapit na si Gaurav ay takang tanong nito sa kaniya. Balewala lang niyang itinaas ang mga kilay at ikinibit ang mga balikat n'ya. "I've been here before and hindi mo naman ako

