Tahimik na nakaupo sa harap ng lamesa n'ya si Astrid at kanina pa n'ya tinititigan sa monitor ng laptop n'ya ang litrato ng dalawang tao na kuha pa ng isang anonymous witness, na nagsasabing ito ang kuha ng transaksyon minsan noon ng grupo ng Blackship at TLP na tinatayang mahigit kumulang limampung milyon ang halaga ng mga gambled fire arms ang naganap na palitan sa pagitan ng dalawang panig. Nakapokus s'ya sa dalawang lalaking iyon na pawang nakaitim na jacket at may sumbrero dahil kahawig na kahawig iyon ng dalawang kapatid niyang namayapa na kasama ng ama nila nang minsan na nagkaroon nang isang sagupaan sa pagitan nila noon ng sindikato nila Morgan. "No..this is ridiculous. Matagal ng patay sila Sid at Chard at hindi ito maaari!" hindi makapaniwala ay naibulalas n'ya habang isino-zoo

