Nagpasiya si Astrid na magtungo sa lugar kung saan n'ya huling nakita ang dalawang nakatatandang mga kapatid upang abangan ang mga ito dahil gusto n'yang tanungin sana rito ang tungkol sa mga bagay na sinabi sa kan'ya ni Gaurav. Hindi n'ya rin makontak ang mga ito sa ibinigay nitong calling card kung kaya't nagpasiya na siyang personal na magtungo na lamang sa lugar na iyon kahit na delikado iyon. May palagay s'yang makokompirma n'ya kung talaga 'bang nagsasabi ng totoo sa kan'ya ang binata o gumagawa lang ito ng kuwento sa kan'ya. Sa isang banda naman ay alam n'yang wala itong mapapala kung sakali mang gumawa nga ito ng kuwento sa kan'ya gayon pa man ay nais pa rin n'yang makasiguro lalo pa at gusto n'yang matiyak sa sarili n'ya na hindi s'ya nagkakasala sa mga bagay na iniisip n'ya at n

