KABANATA 30

928 Words

KABANATA 30 "Sigurado ka bang hindi masakit?" Nag-aalalang tanong ko sa Senyorito habang dahan-dahang ipinapahid ang ointment sa lahat ng galos na maliliit sa mukha niya. Ang iba naman ay maliliit na pasa at talaga namang gusto kong manghinayang sa makinis at halos malapit na sa pagiging perpekto na mukha ng senyorito! Tapos magagasgasan lang nang ganito! Nakaupo pa rin siya sa silya niya malapit sa coffee table at malaking balkonahe ng silid niya habang halos maghalo naman sa 'kin ang matinding pagka ilang. Malapit na malapit na lang ang distansya namin sa isa't-isa dahil nakatayo at bahagyang nakatungo lamang ako sa kaniyang harapan at ginagamot ang gilid ng kaniyang kilay. "I'm fine, don't worry about me." Pinagdiretso ko ang linya ng aking mga labi at ipinagpatuloy ang ginagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD