Chapter 4

1647 Words
KHENDRY'S POV Napangisi ako habang nakatingin sa laptop at binabasa ang mga pangalan na naroon. "So, isa pala kayo sa mayaman din sa bansang ito at iba pa. Maraming negosyo ah? Tsss," sambit ko habang tinitingnan ang mga larawan nila. Izyll Rue French Jarryll Disu Yuan Fenglan Ngunit nakakapagtaka, tanging itong si Jaryll Disu lang ang mayaman sa kanilang tatlo, pero magpinsan naman itong si Izyll at Jarryll. "Hmm, wierd." Nakakapagtaka talaga, dahil itong si Jarryll Disu lang ang napakaraming picture sa kanilang tatlo. Kahit saan ako mag research kaunti lang ang impormasyon ng dalawa. Napatingin ako sa phone ko nang may tumawag. Bahagya akong napangiti ng makita kung sino ang tumatawag ngayon sa akin. "Hello Zhen?" sagot ko dito. "How are you besty!" "I'm fine. Where are you?" tanong ko. "I'm in a middle of the sea besty. I'm done with my mission," sagot niya. Bahagya akong napatango. Naalala kong may binigay pala akong mission sa kanya. Mabuti naman at tapos na. "Good. Let's meet when you came back," saad ko sa kanya. Nandito lang kasi siya sa pilipinas habang nasa Japan ako. Pupunta lang siya doon sa Japan pag may misyong ibibigay ako sa kanya. Zhennie Lan, she's my childhood friend. Matagal na kaming magkaibigan kaya kilalang-kilala ko na siya. "Sure, besty. I want to drink with you, until I drunk haha!" tumatawa nitong sabi. I smiled. "Sure," tugon ko naman sa kanya. "By the way," mayamaya ay sabi niya. "How's Heart, is she's still makulit?" "Obviously. She's is, but you know that I need to protect her. Mainit ang kalaban natin ngayon," seryoso kong sabi. "Yeah right," sang ayon naman niya. Alam naman kasi niya kung sino ang mga nakakalaban namin. "Well, I need to go Khen, see you!" paalam niya. "Okay bye." Pinatay na niya ang tawag, ngunit hindi ko pa naibaba ang phone ko nang may tumawag na naman. Tiningnan ko naman kung sino ito at agad ko itong sinagot ng makilala kung sino ngayon ang tumatawag. Isa sa mga tauhan ko. "Okay na ba?" tanong ko dito. "Yes, Empress. Ikaw na lang ang hinihintay." "Coming," sagoto ko. Muli kong tiningnan ang picture nilang tatlo at napangisi ako. "We will meet again, assholes," sambit ko. Sinara ko na ang laptop at nagpalit ng damit. Matapos kong magpalit ng damit lumabas ako ng kwarto saka sinilip si Heart na katabi lang ng kwarto ko. Mahimbing na ang tulog niya, 9:00pm pa lang tulog na siya. Mukhang pagod na pagod siya. Sinara ko ang pinto at naglakad pababa ng hagdan. Napahinto ako sa paglakad pabalas ng mansion, nang madaanan ko ang portrait ng pamilya namin. Makikita sa malaking portrait ang mukha ng magulang namin ni Heart na masayang magkasama. Hindi namin nakasama ang ina namin dahil sabay nga itong namatay, nang sabay din kaming pinanganak. Kaya sa pangalawang portrait nakita ko ang larawang namin ni Heart, kasama ang ama namin. We are 10 years old that time . Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Kinuha ko ang motorbike ko at sumakay. Bago ako umalis tiningnan ko muna ang address na binigay sa akin saka umalis. Inihinto ko ang motorbike sa di kalayuan. Napansin ko kaagad ang ilang tauhan ko na nakabantay sa isang mansion. "Empress, nasa loob po sila. Maging ang kotse po ni Lady Heart," sabi ng isa sa tauhan ko nang mapansin ako. Tumango ako at naglakad palapit sa mansion. Pansin ko naman walang tao sa labas, sa tingin ko nasa loob sila. THIRD PERSON POV "Sigurado ka ba sa nakita mo, Izy?" tanong ni Yuan. Tumango Si Izyll. Naging seryoso naman ang mukha nila matapos sabihin sa kanila ang lahat ni Izyll. Ang tungkol sa babaeng nakita niya. "Kung siya nga ang bagong tagapagmana ng gold pixie dust. Saan natin siya pweding makita?" tanong naman ni Jarryll. "'Yun ang mahirap," sagot niya. Pareho silang natahimik. Mayamaya natigilan si Izyll ng may maramdamang kakaiba sa leeg niya. Kinuha niya ang kwentas at pareho silang natigilan ng umilaw ito. Nagkatinginan silang tatlo. "Nandito siya," sabay nilang sabi. Malakas ang ilaw nito, na tila ba nagpapahiwatig sa kanila na nasa malapit lang ito. Sabay silang lumabas sa kwarto ni Izyll upang hanapin ang babaeng nakita ni Izyll. Samantala, iba naman ang naramdaman ni Khendrey, nang nasa tapat na siya ng pinto ng malaking mansion. Napakatahimik ng lugar pero nararamdaman niya ang presensya ng taong nasa loob. Hinawakan niya ang doorknob at marahang binuksan iyon. Lumikha iyon ng ingay pero maging ang loob ay tahimik. Naglakad siya papasok. Nang nasa sala na siya. Bumungad sa kanya ang malaking portrait na parang katulad sa mansion nila. Nakikita niya ang malaking mukha ng isang babae. Napakaganda nito sa suot na kulay dilaw na gown. Mas lalo itong gumanda dahil sa ngiti nito na tila napaka-inosente. Nakaramdam siya ng kakaiba sa babaeng nasa painting. Muli niyang tiningnan ang painting pero agad ring nabawi ang tingin niya doon at napatingin sa itaas. Doon nakita niya ang tatlong lalaking hinahanap niya. Nagkatitigan sila sandali, hindi niya binawi ang tingin niya sa mga ito. "So, dito kayo nakatira," seryoso niyang sabi. Hindi nagsalita ang mga ito at naglakad pababa ng hagdan. "Anong ginagawa ng isang binibini dito sa mansion namin?" tanong ni Izyll sa kanya. Bahagya namang napangisi si Khendrey sa tinuran nito. "I'm just searching for those guys who took my car. So that, I'm here to take what you've took. Give me the key of my car," sabi ni Khendrey sa kanila. Tuluyan nang nakababa ang mga ito at mariin siyang tiningnan. Maging siya seryosong nakatingin sa mga ito. Bigla niyang naalala ang gabi, kung kailan kinuha ng mga ito ang kotse nila. Lalo na sa isang bagay na ginamit ng mga ito sa kanila bago sila mawalan ng malay. Hindi niya alam kung namamalikta lang siya o totoo ba 'yon. Hindi naman siya naniniwala sa isang majika kung hindi niya rin ito minsan ng nakita. Oo, hindi lang ito ang unang beses niyang makakita ng majika. Dahil narasanan niya ito at hindi niya alam kung totoo ba 'yong nangyari sa Debut niya, na may isang dilaw na tila pixie dust, na nakikita lang niya sa TV, ang pumalibot sa kanya noong gabi pagkatapos ng party niya. Hindi siya naniwala at inisip na nanaginip lang siya pero nang makita niya ang tatlog lalaking ito ay nakakita ulit siya. Hindi nga lang katulad nang nangyari sa kanya. "Wala akong pakialam kung normal na tao ba kayo o hindi. Isa lang ang gusto kong ibigay niyo sa akin. Give me the key of my car," muli niyang sabi. Nagkatinginan silang tatlo. Mayamaya may kinuha si Izyll sa bulsa niya at binigay kay Khendrey. "I don't need to say 'thank you', because you just took my car without my permission," sabi niya sa mga ito. "So, Goobye. I hope this is our last meet," muling sabi niya at tumalikod sa mga ito. "So alam mong hindi kami normal," biglang sabi ni Izyl. Napatigil sa paglakad si Khendrey. Muli siyang humarap sa mga ito. "Just like what I've said. I don't care, if you are a normal person. Its just, I don't need to know either." Pagkasabi niya noon ayuluyan na siyang umalis at hindi na lumingon pa sa mga ito. Tinawag ni Khendrey ang mga tauhan niya upang umalis na rin. Bago siya umalis muli niyang tiningnan ang mansion. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya dito. Tila may koneksyon ito sa kanya. Napabuntong hininga siya saka sumakay sa kotse na kinuha ng mga ito at umalis narin. Samantala, tahimik pa rin ang tatlo sa pagkaalis ni Khendrey. Hindi alam kung sino ang unang magsasalita sa kanilang tatlo pero mayamaya biglang natawa si Yuan. "Grabe, Nakaka--haha!" natatawang sabi nito. Napatingin naman ang dalawa kay Yuan na tumatawa. "Siya pala 'yon?" wala sa sariling sabi ni Jarryll. "She is," sagot ni Izyl. Pabagsak na umupo si Izyll sa sofa at napapikit. Hindi niya alam kung paano magsimulang magsalita. Para kasing pareho silang natameme sa babaeng kaharap nila kanina, hindi makapaniwala. Umupo naman ang dalawa sa sofa at napabuntong hininga. "Kung hindi tayo normal sa kanya, mukhang hindi rin siya simpleng babae lang para atin," narinig niyang sabi ni Yuan. Napaisip naman si Izyll sa sinabi ni Yuan. Naalala niya ang sinabi ng babae, na wala itong pakialam kung normal ba sila o hindi. "Ibig sabihin naalala niya pa, 'yong gabing ginamitan natin sila ng majika," sabi ni Jarryl. "Posible 'yon, pero kung naalala niya iyon. Ibig sabihin, alam niya talagang hindi tayo normal?" Hindi nagsalita si Izyll at nanatiling tahimik. Nahanap na nila ang bagong taga pagmana ng gold pixiedust. Isa na lang ang hindi pa nila nahahanap. Kundi ang bagong tagapagmana ng white pixie dust pero sa tingin niya mahihirapan sila sa babaeng 'yon. "Mahihirapan tayo sa babaeng 'yon," tanging sabi ni Izyll na sinang- ayonan naman ng dalawa. "Isa pa, hindi natin alam kung saan nakatira ang babaeng 'yon. Lalo na ang pangalan niya," sabi naman ni Jarryl. 'Yan pa ang problema nila. Kaya tila nawalan sila ng lakas. Nakita na nga nila ito at ito pa mismo ang humarap sa kanila. Ngunit nawala pa ulit. Tumayo si Izyll. "Saka na natin isipin ang tungkol sa mga taong hinahanap natin. Kailangan nating pumunta sa University nina mommy noon. Nakapag enroll na pa naman tayo doon," sabi ni Izyll sa dalawa. "Hays, Sabagay." Muli umakyat si Izyll sa itaas upang pumasok sa sariling silid, kung saan dating kwarto ng ina niyang si Sweetzhelle. Humiga siya sa kama at napapikit. Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa kalagayan ng ina niya. Simula ng maipanganak siya. Mag kaisip at magkaroon ng muwang sa mundo. Ganoon parin ang kalagayan ni Sweetzhelle. Nakahiga at napapalibutan ng spell upang hindi mapasukan ng masamang majika. "Mom, I will do anything just to wake you up. I miss you," sambit niya sa sarili at tuluyang napapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD