Tiningnan namin ni Zhennie, kung ano ang gagawin ni Kherra. Dahil malapit lang kami sa pool ay iyon ang ginamit ni Kherra para kontakin ang isa sa mga kasamahan niyang guardian, na kasama ngayon nina Izyll. Pinakiramdaman muna nito ang paligid, upang walang makapansin. Mayamaya ay nagsimula na si Kherra at nagpalabas ng kanyang kapangyarihan mula sa dalawa niyang kamay. Lumabas mula doon ang kulay gold na pixie dust at pumaikot sa ere, bago pumunta sa tubig. Nakita namin ni Zhennie, na gumalaw ang tubig at may lumabas na singaw mula dito. Mayamaya ay nagbago ang kulay nito at naging ginto na rin. Tiningnan namin si Kherra, nakapikit ito at tila may sinasambit na ibang lengwahe. Mayamaya ay dumilat ito at itinuro ang hintuturo nito sa tubig, bigla itong bumukal na tila kumukulong tubig. Ma

