Iniisip ko pa rin ang posibleng nangyari sa kanya. Habang nasa ganoon akong posisyon ay nilapitan ako ni Izyll at hinawakan sa dalawang balikat. "Full yourself together, Khen. Huwag mong isipin na ganoon nga ang nangyari, baka may pinuntahan siya o di kaya magkasama sila ni Zhennie," sabi niya sa akin. Right! Si Zhennie, baka may alam siya kung nasaan si Heart. Hinanap ko kaagad ang pangalan ni Zhennie sa list at agad itong tinawagan. Ilang ring pa lang ay sinagot na kaagad niya ito. "Oh? What's up?" bungad niya kaagad sa akin. Hindi ko alam kung kailangan ko bang tanungin si Zhennie tungkol kay Heart, pero baka may alam siya o baka naman kasama niya o ano ba. Hindi ko alam, sadyang nalilito na ako sa nararamdaman ko. "Hey, Khen? What's wrong?" muli niyang sabi sa akin. Napapikit ako

