Dahil sa sinabi niyang iyon ay napahinto ako at seryosong napatingin sa kanya. Hindi ko aakalain na sa lahat na maaring makakita at makarinig ay siya pa talaga. Bahagya akong napatingin sa paligid, kung mayroon bang malapit sa amin. Mabuti na lang at wala. "Did you really heard everything?" mariing tanong ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi kong iyon. "Yes, and don't worry no one will know about this. Mabuti na lang rin at walang nakakita bukod sa akin, sa ginawa mo sa mga iyon," sabi niya sa akin. Napaiwas ako nang tingin sa kanya ay nagsimulang maglakad. Sumabay naman siya sa akin. "You're really mysterious, I can feel it. But I like it," narinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at saktong nakangiti siyang nakatingin sa akin, saka ako kinindatan. Napairap na lang ako g

