Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik sila, matapos mawalan nang malay si Khendrey. Hinintay nila itong magising upang pag usapan ang gagawin nila. Samantalang pinagmamasdan lang ni Izyll ngayon si Khendrey. Hindi maiwasang humanga lalo dito, kaya masasabi niya talagang may gusto na siya sa dalaga. "That guy, all this time he's our threat? Sigurado akong nakipagsabwatan na siya kay Rigor, upang gawin ito," narinig nilang sabi ni Zhennie at nararamdaman nila ang inis mula dito. "Noong unang nakita namin siya ay nagdududa na kami sa katauhan niya. Kaya naghanap rin kami ng impormasyon tungkol sa kanya, subalit wala kaming nakuha. Sigurado kaming pribado ang impormasyong tungkol sa kanya," seryosong sabi naman ni Izyll. "Lahat ng mga membro ng mafia ay kaunting impormasyon lang ang in

