LESLIE
"Talaga po!" Gulat na gulat kong turan.
"Actually, your answers are really not convincing at all, but i would hire you as my secretary because you are the only woman not showing any flirty or dirty looks at me. Your not even attracted at me i guess." Wika nito na nagpagulo sa isipan ko. 'ano daw?' 'flirty looks? dirty looks?'
"Ba't ko naman gagawin yon Sir, hindi bat kabastusan naman iyon kung mag-aapply sa trabaho at iyon ang gagawin." Wika ko.
"Exactly Ms. Rivera. But why are those women trying to flirt at me a while ago." Wika nito, kaya medyo naguluhan ako. Hindi nalang ako nagsalita sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko naman gets kung anong pinupunto niya.
"So sir, kailan po ako mag-uumpisa?" Tanong ko nalang.
"Tommorrow, come at 8 oclock sharp, Alice will train you." Wika nito.
"Agad-agad sir?" Di makapaniwalang turan ko.
"Ayaw mo, ibibigay ko nalang sa iba." Wika nito na nakakunot pa ang noo. Ang bilis naman palang mairita ng magiging boss kung to' buti nalang gwapo.
"Ito naman si sir di na mabiro. Yes po masusunod po kayo 8 oclock sharp tomorrow." Wika ko na nakangiti pa.
Agad-agaran pala, akala ko manlang ay aabutin pa ng isang linggo. Pero mas maganda na rin iyon, kaysa naman tumambay ako sa boarding ng walang ginagawa at nag-aantay nalang sa araw na lumipas para pumasok sa trabaho.
Excited akong nagising kinaumagahan, alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako at nagkakape. Ewan ko ba sobra akong na e-excite sa mangyayari ngayong araw. First time kung magtrabaho sa ganung kalaking kompanya. At humawak ng malaking sahod na triple pa sa sahod na natatanggap ko nung sales lady palang ako sa bayan don sa amin.
Ala syiete palang nga ng umaga ay pumasok na ako sa kompanya, sa sobrang excited ko iilan palang ang mga tao sa kompanya, pero agad akong na assist ni Alice, maaga rin ito kaya maaga na rin naming sinimulan ang pagtuturo nito sa akin bilang sekretarya ni Sir.
"Mahilig sa kape si Sir, kaya kung titimplahan mo siya nandito ang machine, hilig niya ang barakong kape, walang creamer at asukal." Wika nito na nakapag-pangiwi sa akin. "Di ang pait nun." Wika ko. Ngumiti lang naman si Alice bilang pagsang-ayon. "Iyon ang gusto ni Sir, yong matapang, pero iwan ko rin kasi pag tinitimplahan ko siya ng kape hindi niya nauubos pag naman binibilhan ko siya ng kape jan sa starbucks sa tapat hindi niya rin inuubos, siguro ay pasarapan nalang sa pag timpla." Kwela ring wika ni Alice.
"Meron namang mini kitchen dito sa office ni Sir. Si sir kasi gusto niya laging home cook ang kinakain niya kaso lang ay hindi ako ganoon kagaling magluto kaya kadalasan ay sa cafeteria nalang ako kumukuha ng pagkain niya na minsan naman ay hindi niya kinakain at kung kakain man ito, isang kutsara lang ang sinusubo." Napaka-pihikan naman pala niya sa pagkain.
Naglakad naman ito patungo sa kaharap na pinto ng office ni Sir. "Ito naman ang conference room kung saan ginaganap ang mga meetings." Wika nito.
Marami pa itong tinuro sa akin, lalo na sa paggamit ng mga hightech na technology na agad ko ring natutunan.
Kaya wala pang isang oras ay natuto na ako sa paghawak ng mga gamit dito sa opisina ni Sir.
"Ang dali mo palang matuto, makakahinga na ako ng maluwag dahil mukhang makakahanap na ng katapat si Sir." Ngiting wika nito na nagpagulo naman sa akin. "Tsaka nga pala, walang eksaktong oras kung pumask si Sir, depende sa mood niya, pero wala namang araw na hindi pumapasok yon." Wika pa nito kaya napatango-tango nalang ako.
"Ah, San pala ang magiging opisina ko?" Tanong ko.
Ngumiti ito at iginaya ako sa harap ng pinto ng opisina ng Boss namin. May isang room na ang haligi ay glass, pero open area iyon walang pinto. "Jan ang magiging opisina mo. Lagi mong tandaan na sa tuwing may darating na ibang tao lagi mo silang usisa-in kung may appointment ba sila kay Boss. Marami kasing mga taong gustong makita si Boss pero wala namang appointment." Napatango-tango naman ulit ako sa sinabi niya. Marami itong tinuro sa akin, pati na rin ang mga nag papa-book ng appointment sa Ipad. Wala itong pinalampas na mga bagay, lahat ng alam nito sa kompanya ay sinabi niya sa akin. Pagkatapos nga nito akong turuan ay inilibot naman ako nito sa buong kompanya kung naroon ang ibat-ibang departments. Ipinakilala niya rin ako sa managers bilang bagong sekretarya ng boss namin.
Pagkatapos akong turuan ni Alice ay umalis na ito agad dahil may pupuntahan pa ito. Sakto namang nag-aayos na ako ng mga gamit ko sa desk ko ay sakto naman ang pagdating ni boss.
"Good Afternoon Sir." Magalang na pagbati ko habang nakapaskil ang malaking ngiti sa labi ko. Tumingin lang ito sa akin at ngumiti rin sabay tango at dumeritso na ito ng pasok sa kanyang opisina. 'Gwapo ni Sir.' Turan ko sa isip-isip ko habang nangingiti.
Bumalik na nga ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ng bigla naman akong napamura dahil sa gulat sa biglaang pagtunog ng telepono. Agad ko namang kinuha iyon at sinagot. "How's my schedule today?" Tanong ni Boss, agad tuloy akong nataranta at kinuha ang log book na binigay ni Alice sa akin kung saan doon nakalagay ang mga scedule ni Sir sa mga meetings niya. "Ahm sir, meron po kayong meeting with Sir Mendi, at hotel parks restaurant around 7 pm sir." Sagot ko. "Okay, bring me a coffee thank you." Wika ni Boss at binabaan na ako agad ng tawag e sasagot pa sana ako.
Ginawa ko nalang ang tinuro sa akin ni Alice. Nagpunta ako sa machine pero ng maghalungkat ako roon ng kape ay puro mga barako nga na yong nescafe. Sa totoo lang ay nagkakape ako ng barako pero hindi ganitong barako dahil hindi ko bet mas bet ko iyong niluluto na barako, bukod kasi sa mabango ang aroma nun ay hindi rin gaano mapait pero ako hilig kung maglagay ng creamer sa kape ko. Kaya imbes na timplahan ko si Sir ng barako na kape niya ay kumuha nalang ako ng baso at kinuha ang termos ko na maliit sa bag at iyon ang inilagay ko sa baso ni Sir bilang kape niya. Hindi ko na nilagyan ng creamer kasi sabi ni Alice ayaw niya raw yon. Hindi na ako kumatok ng pumasok ako sa opisina ni Sir, Ni hindi nga ito lumingon o nagtaas ng tingin sa akin. Inilapag ko nalang ang kape sa table nito sabay sabing. "Sir, baka nagugutom po kayo, pwede po akong mag-order ng kakainin niyo or mag luto nalang jan sa kitchen niyo." Wika ko sa sobrang galang. "No thank you, I'm fine. You can go back to your office." Wika ni Sir na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
Ngumiti nalang ako at umalis na. Ganito pala ang trabaho ng isang sekretarya. Nakakapanibago, sanay kasi akong laging nakatayo sa mall, laging nag e entertainment ng mga customer. Kaya siguro kung may nakakarinig lang sa akin kanina kung paano ko tanungin si Sir, siguradong humagalpak na sa tawa yon. Hindi naman kasi ako ganung tao, well except syempre sa mga magulang ko. Sanay kasi akong laging nataas ang boses, sanay akong makipagsumbatan sa mga customer na walang ibang ginawa kundi ang manggulo at mang-away ng mga sales lady sa mall. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit lagi akong pinapatawag ni manager dahil sa anger issue ko e.
Haler, kahit na sinong tao na may mababang pasensya gagawin ang ginawa ko no' meron pa ngang isang araw kung saan muntik ko ng masuntok iyong maarteng babae na customer don sa mall, e pano kitang-kita na sa CCTV na siya ang bumasag don sa mamahaling alak isisi ba naman don sa kasamahan ko yung kasalanan niya. Kala ko nga matatanggal na ako, buti nalang natuwa manager ko sa ginawa ko dahil pati rin siya ay gusto na ring saktan iyong babae pero pinangaralan pa rin ako.
Kaya kung makikita lang ako ng mga kakilala ko na nagtratrabaho sa ganito at paupo-upo lang tapos sobrang hin-hin at gaan pa ng boses ko sa tuwing nakikipag-usap sigurado talagang aasarin nila ako.