Naghahalo ang kaba at excitement sa loob ko. Di ako mapakali habang mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Klaus. Ito iyong unang beses na nakapunta ako ng ibang bansa at hindi lang kung aling bansa kundi sa mismong bansa kung saan nanggaling ang kaninunuan ng mga Carson. Ilang araw matapos kumalat ang s*x video naming apat ay mabilis na nagawan ng paraan kung papaanong maitatangging ako ang babaeng kasama nila doon. Dahil mabilis kumalat ang s*x video ay medyo pahirapan ang retrieval na nangyari. Ilang sites din ang pinasara ng mga Carson dahil sa pagpapakalat at pagpost ng s*x video na iyon. Di ko alam kung paano nilang ginawang ibang babae ang lumabas na umaming siya iyong babae sa video. Bigla ay nawala sakin ang spot light na ikinahinga ko ng maluwag. Kahit ayaw ko sa ideyang ibang

