Tahimik akong nakaupo habang nakasandal kay Kevin. Pagkagaling sa hospital ay inuwi ako ng triplets sa mansion nila. Nakatulong si Tita Mercy na pagaanin ang aking kaloob . Pati sina Tito Bryan at Tito Nicholai ay kinausap din ako. Kahit papaano ay nabawasan ang guilt na aking nararamdaman at luminaw sa akin na di ko naman talaga kasalanan ang nangyari. Normal lang na kumprontahin ko siya at pagsalitaan ng di maganda dahil kahit papaano ay concern pa rin ako sa'king ama na siyang niloloko niya. Isa pa, di ako iyong naunang nanakit at sarili niyang kagagawan kung bakit siya nadulas. Ang masakit lang ay nadamay iyong inosenting buhay. Siguro karma na rin iyon sa kanya dahil sa mga kasalanang nagawa niya pero di ko pa rin maiwasang ipagluksa ang anghel na nawala. Sa nasaksihan kong

