Parang walang nangyari ng mga sumunod na araw. Wala na akong naririnig na mga bulung-bulungan tungkol sa pamilya Carson. Naging normal na ulit ang takbo ng lahat sa paligid. Ang mga mean girls ay masasama pa rin ang ugali at ang mga babaeng naghahabol sa triplets ay dumoble na yata ang dami. Pati taga ibang school ay dumadayo na sa senior high division para lang masilayan ang Carson triplets. Ako naman, heto gano'n pa rin ang drama ng buhay...pilit na nagmu-move on kahit hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang init ni Kian sa loob ko. Di ko na ulit nakita sa paligid ang triplets matapos no'ng huli ko silang nakaharap sa mismong bahay nila. Break time namin kaya heto, tumambay ako sa coffee shop malapit sa school. Wala si Angie kaya rito na lang ako sa labas tumambay kaysa roon sa cafet

