[ Wena POV ] Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna. “Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan. Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid. Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong na

