Chapter 24

790 Words
(Hevean POV) Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na dumaan sa balat ko. Madilim pa sa labas, madaling araw palang siguro. Napalinga-linga ako sa paligid ng kwarto at hindi mahagilap ng mata ko si Xyrus. Nasaan nanaman kaya yun? Bumangon ako at lumabas ng kwarto, kumuha na din muna ako ng balabal para hindi ako masyadong malamigan. Parang walang tao sa mansyon ngayon, nasaan kaya silang lahat? Sa pag kakatanda ko may mga gising kapag gabi at nag babantay dito ngunit bakit ngayon wala? nakapagtataka. "Hevean....." Napa hinto ako nang may tumawag sa akin. Mahina lang ito at parang bumubulong lamang, ngunit diko alam kung sino ang tumawag sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala talaga akong makitang tao. Sino yun? "Hevean....." Ayan nanaman ang boses. Sino ba kasing tumatawag sa akin? Si Xyrus ba? Pero bakit parang boses babae? "Hello?" Tanong ko sa madilim na paligid. Walang sumasagot, haysss... siguro guni-guni ko lang yun. Nagugutom nako, andilim kasi... diko alam kung saan papunta yung kusina. Parang mali ata ang napuntahan ko? Sa pag kakaalam ko nandito lang yung kusina e'. Bigla akong naka rinig ng kalabog sa labas kaya naman agad akong tumingin sa bintana, madilim sa labas pero hindi kagaya dito sa loob na sobrang dilim. Parang may nakita akong tao sa bandang puno sa di kalayuan. Baka si Xyrus iyon? Pero gabing-gabi na, bakit pa siya lalabas ng ganitong oras? Kinapa-kapa ko ang mga ding-ding at nasa may hagdan nako pababa papunta sa main entrance ng mansion. Muntik pakong matapilok sa hagdan buti nalamang at naka balance ako dahil kung hindi baka kanina pako naka handusay sa sahig, antaas pa naman nitong hagdan. Binuksan ko na kaagad ang pinto, bumungad sa akin ang lamig ng hangin at dilim ng paligid. Kahit natatakot ay lumabas parin ako, baka si Xyrus talaga ang nakita ko kanina. Naka rating ako sa puno na kung saan ko nakita ang tao kanina, pero wala man lang tao dito. Nanginginig na ang tuhod ko sa lamig at takot kaya naman napag desisyonan ko na bumalik nalamang sa loob. Hindi paman ako nakaka tatlong hakbang ay may narinig nanaman ako. "Hevean? Is that you baby?" Boses iyon ni Xyrus, agad akong lumingon kung nasaan nanggagaling ang boses ngunit wala akong nakita. "Xyrus? Ikaw ba yan?" Tanong ko ngunit walang sumasagot. Napalunok ako dahil wala namang Xyrus sa paligid. Nakarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan kaya naman tumakbo ako para puntahan iyon. "Xyrus?" tawag ko. Wala namang tao o kahit hayop man lang, so sino ang gumawa ng kaluskos kanina? Alangan namang hangin e wala naman masyadong hangin sa lugar na ito dahil puro puno. "Hevean....... tulungan muko." Napasinghap ako dahil boses iyon ni Xyrus. Humihingi siya ng tulong. Agad akong naka ramdam ng kaba at takot. "Xyrus?! Nasaan ka?" Nanginginig kong boses. "Anong nangyari? Nasaan ka Xyrus?" Wala akong narinig na sagot, nagtatatakbo ako sa kung saan para hanapin kung nasaan siya ngunit wala akong nakitang Xyrus sa paligid. Tumutulo na ang luha ko, natatakot ako, natatakot ako na baka may nangyari sa kaniya at kailangan niya ng tulong ko. "Xyrus please... sumagot ka. Nasaan ka please...." pag mamakaawa ko. Please sana walang nangyari sa kaniya. "Kamusta Hevean..." Napalingon ako sa boses ng babae. Naramdaman ko ang presensya nito sa likod ko kaya napa atras ako at hinarap ito. Pinahiran ko ang mga luha at agad na tiningnan ang babae. "S-sino ka?" Naka itim ito na balabal at hindi makita ang muka nito, tanging naka ngiting labi lang ang nakikita ko. "Ako ang taong tutulong sayo Hevean" anang babae. Napa kunot noo ako sa sinabi nito. "Ano?" takang tanong ko. "Hindi kaba nagtataka kung bakit wala kanang mga magulang? Hindi kaba nagtatanong kung sino ang dahilan kung bakit sila namatay?" Napahinto ako sa sinabi nito, naguguluhan ako, paano niya nalaman na patay na ang mga magulang ko? "Kilala mo bako? At paano mo nalaman na wala na ang mga magulang ko?" Ngumisi ito. "Hindi yan ang dapat mong itanong..." Napapikit ako at huminga ng malalim. "Anong bang ibig mong sabihin?" "Ang tanong ay.... kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo." Kahit nalilito ay hinintay ko ang susunod nitong sasabihin. Ngayon ko lang naisip ang sinasabi nito, gusto kong malaman kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko. At gusto kong malaman kung sino ang taong iyon. (A/N; So sorry guys for late update, hehe busy din kasi ako. Feb 14 na haha baka naman, tumatanggap po ako ng chocolate haha. Anyways thank you again sa pag babasa ng story ko, I hope makita niyo na yung forever niyo. I love you guys. Just leave a comment mwahh❤️❤️)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD