"Ayoko." Inis na sabi ko at agad na tumingin sa daan.
"You don't have a choice baby." Mahina at malambing niyang pagkakasabi. Arghhhhh! Gusto ko mainis pero bakit hindi ko magawa? Anong ginawa ng lalaking to sakin? Dahil ba sa pag tawag niya sa saakin ng baby? Pero di niya naman ako anak. Mukang sugar daddy naman ang datingan niya kapag baby tawag niya sakin.
Diko alam kung kikiligin bako o maiinis. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Sumulyap naman siya sakin at ibinalik ang mata sa daan.
"Mas importante ang trabaho ko Xyrus, kahit kaya mo pang bilhin ang pinagtratrabahohan ko. Mas kailangan ko ng pera." Diretsiyang sabi ko.
"Then i will buy that restaurant para sakin kana mag trabaho."
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Nasisiraan naba siya ng bait? Anong bang problema ng lalaking to. Diko alam kung maniniwala bako o hindi.
"I'm dead serious Hevean. Now, we we're talking to our date. Saan mo gusto?" Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Napalunok pako dahil baka maaksidente kami. Iniwas ko ang kamay ko, ngumisi lang siya at ibinalik sa daan ang attention.
Ano nga ba ang isasagot ko? Wala naman akong alam na pwedeng puntahan. Ang gusto ko lang naman pumunta ngayon ay sa arcade, namimiss ko na maglaro sa mall, siyaka mag libot-libot nadin.
Hindi nalang ako sumagot. Siya na bahala kung saan kami pupunta. Mukang may alam naman siya kaysa sa akin.
Tahimik lang ako sa byahe at maya-maya'y huminto nadin kami. Nagulat ako nang nasa parking lot kami ng isang malaking mall. Oh my gosh!! Mabuti nalang dito niya ako dinala. Pero teka, yung suot ko. Baka mamaya pag kamalan akong nag tratrabaho dito sa mall.
Lumabas na siya at pinagbuksan ako, gentleman nanaman siya ngayon? Paiba iba talaga mood ng lalaking to. Pasalamat siya gwapo siya.
I heard him chuckle bago isinara ang pinto ng kotse. Baliw talaga.
"Tsk." Agad niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at mahinang hinila papasok.
Holding hands while walking naba this? Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. Napapatingin saamin ang mga nadadaanan namin. Dahil siguro sa lalaking humihila saakin. Alangan naman saakin sila tumingin e kapanget-panget ko.
Huminto kami sa isang sikat na boutique. Anong gagawin namin dito? Hindi kaya.. oh my gosh!
Tumingin ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Sabi ko na nga ba at lalaki din ang gusto mo," sabay tapik ko sa balikat niya, nagtaka naman siya sa ginawa ko. Nahiya pa siya sakin, diko naman siya 'e jujudge. Baka nga hanapan ko pa siya, may katrabaho naman akong bek's e', baka type niya.
"The hell!" Napangiwi ito. Humarap ito saakin at pinitik ang noo ko. Napa hawak naman ako dahil kumirot iyon. Ano bang problema nito?
"Masakit yun ah! Bakit mo yun ginawa?" reklamo ko. Pinanliitan niya ako ng mata. Mukang galit siya?
Imbes na sagutin ako, hinila niya ako papasok sa boutique, may kinausap itong sales lady. Umirap pako dahil parang ngiting-ngiti yung sales lady nung kausapin siya ni Xyrus. Anlandi!!
Bumalik na si Xyrus at tumabi saakin dito sa parang couch ng boutique.
"Pick some dresses you like," bulong niya saakin. Nanindig ang balahibo dahil sa ginawa niya. Parang nakiliti ako, shesshhh!
"H-huh?" Nauutal na tanong ko. Medyo naguguluhan ako.
"Nevermind, just wait here." Tumayo siya at naglakad palayo. Sumunod sa kanya ang sales lady. Tsk! Magsama kayo!
Ilang minuto din akong naghintay, babalik pa kaya yun? Baka kung ano na ang ginawa nila. Wala naman akong pakialam. Bumuntong hininga ako at tumayo. Aalis nalang siguro ako, bahala siya diyan!
Naglakad nako papunta sa exit ng boutique ng may nag salita.
"Where the hell are you going?" Sa tono palang ng pagsasalita niya parang kakainin nako ng buhay. Lumingon ako sa kanya at pekeng ngumiti.
"Ahmmm.... aali-- I mean m-mag ccr sana ako." Palusot ko.
Mukang di siya kumbinsido dahil tinaasan niya lang ako ng kilay. Bakit ba parang kinakabahan ako kapag ginaganun niya ako? Wala naman akong ginawang masama.
Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa noo. Nagulat ako sa ginawa niya, nakita ko naman ang pag irap saakin ng sales lady. Wow ha!
"Isukat mo muna ang mga to." Sabay pakita saakin ng black at red dress. Seryoso ba siya?
Mukang hindi nga siya nag bibiro. Ngumiti ako at tumango.
Umupo siya ulit sa couch habang naka tuon saakin ang tingin. Nasa harap kasi nun ang fitting room.
Pumasok nako dala ang tatlong dress. Nahirapan pa akong hubarin ang pantalon ko dahil masikip. Nang masuot ko na ang unang dress tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay naman saakin, parang amputi ko tingnan. Dahil siguro hindi ako masyadong naaarawan? Huminga ako ng malalim at lumabas ng fitting room. Nakita ko siyang may kausap sa cellphone, nang maramdaman niya ang presensya ko agad siyang lumingon saakin.
Napahinto siya at ibinaba ang cellphone. Ngumiti siya at sinuri ako ng masinsinan. Tumango-tango lang ito.
Wala man lang siyang sasabihin? Wala man lang 'bagay sayo' 'you look beautiful'? Umirap nalang ako at pumasok ulit sa fitting room. Sunod ko naman sinuot ang red dress. Hanggang taas lang ito ng tuhod at mukang medyo expose din. Nakikita ang cleavage ko. Parang ayaw ko tuloy lumabas at ipakita sa kanya.
Mahina akong lumabas habang naka yuko. Ayaw kong tumingin sa kanya, nahihiya ako. Bakit kasi ito pa yung ipinapasukat saakin?
"You look stunning."
Umangat ang tingin ko at dumapo sa kanya. Naka tingin lang siya saakin habang may mga ngiti sa labi.
Mabilis pa sa kidlat akong pumasok ulit sa fitting room at isinuot ang natitirang dress. Medyo simple lang siya at hanggang taas lang din ng tuhod ko ang haba. Umikot ikot ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Para akong prinsesa, sabagay prinsesa naman talaga ako ng papa ko.... dati. Ngumiti ako ng mapait at tiningnan ulit ang sarili sa salamin.
Pag labas ko naka tayo na si Xyrus habang hinihintay ako. Napalunok ako ng tumingin siya saakin. Lumapit ito saakin at hinila ako papalapit sa kanya.
"So.. damn beautiful." bulong niya sa tenga ko. Ito nanaman siya. Tumataas nanaman balahibo ko. Feeling ko tumaas lahat ng dugo ko papunta sa muka ko.
"You're blushing," Tumawa ito at hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi. Juice ko lord ito nanaman ang puso ko, kumakarera nanaman.
"So.. beautiful my princess."