(Third Person POV)
Nag siliparan ang mga tauhan ng Hari ng sumigaw ito dahil sa galit. Napa kuyom ito ng kamao dahil sa galit at inis na nararamdaman.
"Bakit hindi parin namatay ang taong iyon?!" Sigaw nito sa mga itim na mangkukulam.
"Ginawa na namin ang lahat para gumawa ng matinding lason ngunit nagawa parin siyang gamutin mahal na Hari." Anang itim na mangkukulam.
"Ginawa ang lahat? Sigurado ka?" Tiningnan nito ng mariin ang may katandaang mangkukulam. Bigla itong dumaing dahil sa sakit at di kalaunan ay nag ka bali-bali ang katawan nito at naging abo.
Napatingin sila sa Hari na ngayo'y pulang pula ang mga mata, natakot ang mga itim na mangkukulam pati narin ang mga tauhan ng Hari. Makapang-yarihan ito at walang makakatalo sa kaniya kundi ang sariling anak lamang at walang iba kundi ang nag iisang prinsipe ng pure blooded vampire.
"Gawin niyo ang lahat upang mapatay ang taong iyon! Ayokong ako pa mismo ang papatay sa taong mahal niya. Nag kakaintindihan ba tayo?!" Napatango na lamang ang mga itim na mangkukulam at ang mga bampira.
Agad na umalis ang Hari at pumunta sa di kalayuang kulungan. Dito naka kulong ang mga bampira na may mga kasalanan kagaya ng pag patay sa kapwa bampira at mga bampirang hindi simusunod sa mga patakaran.
Napa hinto ito sa pinaka dulo ng kulungan na kung saan may isang babae ang naka kulong at naka upo sa sulok.
"Kamusta mahal ko." Ngumisi ang Hari at tiningnan ng masama ang babae. Naging dilaw ang mata ng babae at naka tingin ng masama sa Hari.
"Hinihiling ko na sana balang araw darating din ang kamatayan mong hayop ka!!" sigaw nito.
"Well... that's not gonna happen my love." Mas lalo itong ngumisi.
"Sarili mong anak ang papatay sayo! Tandaan mo yan!" Sigaw ulit ng babae.
"Alam mo kung hindi ko lang kailangan ang kapangyarihan mo baka matagal ka nang patay."
Napa tawa ang babae. Napatayo ito, nasinagan ng buwan ang muka nito. Walang kasing ganda at kasing puti ang kutis nito. Isa itong makapangyarihang mangkukulam. Ngunit ang kapangyarihan nito ay kinuha ng Hari upang gamitin at angkinin.
"Tandaan mong mabuti... hinding hindi mananalo ang kasamaan. Alam kong hindi gagaya sayo ang anak ko!"
(Heaven POV)
"Ganun? Eh okay naman na kayo hindi ba?" Agad na tanong sa akin ni
Zia.
"Oo okay naman na kami, pero di parin mawala sa isip ko yung napanaghinipan ko." bumuntong hininga ako at napa sandal sa couch.
"Nako kung ako sayo kakalimutan ko nalang yun. Siyaka hindi nag kaka totoo ang panaghinip."
Paano kapag nag ka totoo? What if future ko pala iyon tapos binabalaan ako na ganun ang mangyayari in the future?
"Hindi ganun kadali Zi, kung pwede lang kalimutan kaagad nang ganun ka bilis e' di sana pag gising ko kinalimutan ko na kaagad diba?"
Tumango-tango ito.
"Sabagay, pero sana wag naman umabot sa ganun kasi... diba nga buntis ka sa panaghinip mo? So, ayokong mawalan ng inaanak."
Napa isip naman ako, ilang beses nang may nangyari sa amin ni Xyrus at hindi man lang kami gumagamit ng proteksyon, so possible na mabuntis ako. Kakausapin ko siya mamaya pag uwi ko. Kailangan din namin mag plano lalo't hindi pa kami kasal.
"Alagaan mo ang sarili mo Zi, wala ako dun para alagaan ka." Hinawakan nito ang kamay ko at pilit na ngumiti, ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Namimiss ko na rin kasama si Zia, ngayon lang ulit ako naka dalaw sa kaniya. Paano pa kaya kapag nag ka pamilya na kami pareho? Baka hindi na kami mag kita pang muli.
"Ikaw din, alagaan mo ang sarili mo." niyakap ko siya ng mahigpit.
Bago paman ako umuwi ay pumasok muna ako sa kwarto ko, namimiss ko na ring matulog dito. Humiga ako sa kama at dinama ang amoy ng kwarto ko, ganun parin naman. Parang walang nagbago. Tingnan ko ang picture nila mama at papa sa ibabaw ng maliit kong mesa. Dadalawin ko sila bukas, gusto kong e' kwento sa kanila sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa mga nangyayari sa amin ni Xyrus, kung gaano niya ako alagaan at mahalin.
Naka rinig ako ng kalabog ngunit sinawalang bahala ko na lamang, baka daga lang iyon.
Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa kama, lumabas na ako ng kwarto at bumaba, wala si Zia. Nasabi niyang aalis pala siya.
Biglang may kumatok sa pinto kaya naman dali-dali kong tinungo at binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita si Xyrus at hindi maipinta ang muka nito.
"Let's go home."
Hinila ako nito at siya na ang nag sara ng pinto. Naka sakay na kami sa sasakyan ngunit ganun parin ang muka niya, may nagawa bako?
"May nagawa bako?" Tanging tanong ko.
"No, may nangyari lang." Tipid na sagot nito. Teka nasaan pala si Wena? Siya ang kasama ko kanina at sabi niya sa akin hihintayin niya ako sa kotse.
"Si Wena?" tanong ko.
"Siyaka ko na sasabihin, kailangan muna nating maka uwi." seryosong sabi nito. Tumango nalang ako bilang sagot. May nangyari ba kay Wena? Bigla akong kinabahan sa naiisip.
Pag dating ay agad niya akong hinila papunta sa kwarto ko.
"Please listen to me.... wag na wag kang lalabas ng kwarto mo, okay? May mag babatay sayo, if you need anything magsabi kalang. Babalik ako kaagad. I love you."
Bago paman ako naka sagot ay hinalikan ako nito sa noo kaya naman tango nalang ang tanging naisagot ko.
Lumabas na ito ng kwarto. Napa tingin naman ako sa labas ng bintana, padilim na rin pala. Nagulat ako ng may biglang parang itim na dumaan sa bintana, teka ano yun? Lalapitan ko na sana nang may pumasok sa kwarto ko. Ang isang kasambahay na palaging kasama namin ni Wena.
"Ma'am Hevean maari po sanang lumayo kayo sa bintana." pakiusap nito. Nagtaka naman ako ngunit sinunod ko nalamang ang sinabi nito. Tinungo nito ang bintana at isinara ito.
"Ano po ba ang nangyayari? Nasaan po ba si Wena?" Tanong ko ngunit wala akong natanggap na sagot bagkus ay yumuko nalamang ito at lumabas na ulit ng kwarto. Ano bang nangyayari? Siyaka saan pupunta si Xyrus? iiwan niya nanaman ba ako?
(A/N: Hi everyone, may nag babasa pa po ba? Kindly just drop a comment lang po, gusto ko lang po makita If meron papong excited magbasa ng story ko. Thank you so much, iloveyou guys.)