AT THE THIRD LAND: THE LAND OF SWORDS THIRD PERSON POINT OF VIEW Napatingin si Aelous sa naglalakad na dalaga sa may bulwagan. Si Jamaicah ito na nakasuot lamang ng mahabang bestida. “Ano at narito ka pa, Jamaicah?” tanong ni Aelous sa kanyanag asawa. “Ang akala ko ay naglakbay na kayo kaninang umaga. “ “Matagal ko ring pinag isipan ang bagay na ito kagabi,” ani ni Jamaicah na hawak hawak ang kanyag pamaypay. “Ipagpaumnahin mo ang aking kahangalan. Hindi ako nag iisip. Nakalimutan ko na may responsibilidad ako rito bilang iyong asawa. Mali ang aking naging desisyon kahapon.” Hindi naman sumagot si Aelous. “Kung nasaan ka ay mananatili ako roon,” dagdag ni Jamaicah. “Gaya mo ay maghihintay na lamang ako ng tamang panahon sa muli naming pagkikita. Isa p

