AT THE BORDER OF LANDS: SOMEWHERE PART OF THE LANDS THIRD PERSON POINT OF VIEW Nagpahinga ang grupo nila Ermil noong makasiguro sila na nakalayo na sila sa kanilang mga kaaway. Tulala si Ermil na napaupo saka napasandal sa isang matayog na puno. “Wala na ang aking kapatid na si Gregory,” ani ni Ermil habang nakatingin sa kawalan. “Napatay siya ng mga La Casa.” “Kaya kailangan mong tapangan ang iyong loob kataas taasan,” ani ni Ashi sa kanya na kinukuha ang bote sa kanyang malaking kustal. “Ngayon na wala na ang panginoon ng ika unang kalupaan ay otomatiko na sa iyo maipapasa ang lahat ng responsibilidad. Hindi pa man pormal na inaanunsyo ang bagay na ito ay responsibilidad mo pa rin ang buong hukbo pagka’t ikaw ang pumapangalawa sa pwesto ng iyong kuya.” Inabot ni Ashi ang bote kay E

