VIII - Ulaah

1805 Words

At Third Land: The Land of Sword Third Person Point of View Itinaas ni Jamaica Ulaah ang kanang kamay niya sa ere kasabay nang pagbukas ng pamaypay na hawak hawak nito sa magkabilang kamay. Gawa sa bakal ang pamaypay ni Jamaica. Purong bakal na kulay ginto. Ang bawat dulo ng parte nito ay matutulis. Ang bawat pundasyon ng pamaypay ay pwedeng humiwalay sa katawan upang maging maliit na kutsilyo. Nakatago sa loob ng pamaypay ang maliliit na mga karayom. Karayom na may mga lason. Sa hawakan ng pamaypay ay may nakasabit na maliit na bote na hugis espada. May nakalagay na likido sa loob nito. Nakasuot si Jamaicah ng itim na kimono. Walang ibang disenyo ito kundi ang mahabang kulay gintong obijime na binigay sa kanya ng kasintahan noon at ang kulay gintong burda ng kanang pakpak ng anghel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD