“Bakit ngayon ka lang, Reymark?” Tanging tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya kung sino ang nagtanong sa kanya. Yumukod siya dahil gusto niyang magbigay ng respeto ng kanyang amo. “May dinalaw lang po ako, boss.” Iyon lang ang tangi niyang sagot. Napatango na lamang siya noon. “Tulungan mo muna si Malchor, nandoon sa underground.” Sabi pa sa kanya. Tumango na lamang siya noon. Napabuntong – hininga na lamang siya. “Ah, boss, huwag po sana ninyong mamasamain, gusto ko lang malaman kung saan nakatira ang kapatid ko.” Matagal – tagal na niyang hindi nakikita ang kapatid niya. “Ah,” napatingin pa ito sa kanya. “I will, don’t worry he’s doing fine.” Sabi pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Hindi na siya nangulit pa rito at baka magbago na naman ang templa ng ugali nito.

