Kitang – kita sa mukha ng kanilang bagong napabilang bilang taga – bantay na si Aliya ang pagkalito pa rin at napapatingin pa ito sa isang orasan na hawak – hawak nito, napakunot pa ang noo habang tinitingnan ang orasan.
“Magagamit mo iyan, Aliya, kung kailan, saan, mo makikita ang gagabayan ang bagong kaluluwa nito.” Paliwanag naman niya rito.
Tiningnan niya ang orasan nito, alam niyang may misyon kaagad itong binigay ang kanilang Amang Hari kay Aliya. Bago kay Isaac ang isang taga – bantay na walang alaalang nakabinbin kung paano ito namatay sa katauhan nito.
Kinumpas niya ang kanyang kamay, siya na muna ang magsisilbing kasama nito ngayon. Nasa underground sila ngayon, kung saan maraming namamatay na mga hayop rito.
“Anong ginagawa natin rito?” tanging tanong ni Aliya sa kanya.
Tinuro niya ang mga hayop na nakakulong, napasinghap pa ang kanyang kasama.
“Huwag kang mag – aalala, magiging normal din ito sa iyo, at masasanay ka na sa nakikita at ginagabayan mo.”
“Isaac, huwag mo siyang takutin nang ganyan.” Rinig niyang sabi na alam niyang kasamahan niya.
“Daniel.” Pagkilala niya rito.
May yabag silang narinig, may taong naglalakad patungo kung saan nakakulong ang mga hayop, kitang – kita nito sa mga mata ang takot.
Tulungan ninyo kami!
“N – Narinig ninyo iyon?” tanong naman ni Aliya sa kanila.
“Masasanay ka ring maririnig mo sila, Aliya, dahil ikaw ang taga – bantay at gabay nila.” Rinig niyang sabi ni Daniel.
“Gabay? Ako ang maghahatid nila? Saan ko sila ihahatid?” Litong tanong naman nito sa kanila.
Pakawalan ninyo kami! Parang awa ninyo na! Pagmamakaawa nito sa kanila.
“Nakikita ba nila tayo?” Rinig na namang tanong ni Aliya.
“Hindi, nakikita lang nila tayo, kapag oras na nila.” Napasabi na lamang ni Isaac na tiningnan ang mangyayari.
“Wala na kayong silbi sa amin, matatanda na kayong aso kayo.” Tinutukan pa ito ng baril at maraming putok ang narinig nila.
“Tingnan mo ang iyong orasan, Aliya.” Utos naman niya rito.
Napatingin pa rin ito sa pinatay na aso, isa ito sa bahay – pasugalan ng mga tao kung saan ang mga asong nahuhuli nito ay ginagawang aliwan na pag – awayin, kung sino ang mananalo, ilalaban pa ito.
Marami siyang naririnig rito.
“Aliya.” Untag ni Isaac rito.
“P – Pasensya na.” dali – dali nitong kinuha ang orasan nito.
“Kapag umiilaw na ang iyong orasan, maaring handa mo na silang kunin at gabayan sa kanilang paglalakbay, hawakan mo lang ang kanilang katawan.”
Sinunod naman iyon ni Aliya, nag – aatubili pa itong hawakan ang mga ito, pagkahawak ni Aliya ay lumabas na ang mga kaluluwa nito.
Nanlaban ito sa kanya, dahil natatakot pa rin ito na masaktan.
“Daniel.” Sinenyasan niya ang lalaking nakatingin lang. “Ikaw ang opisyal niyang makakasama hindi ba? Tulungan mo siya.”
Ngumiti lang ito sa kanya. Nakita pa niyang tinapik ni Daniel si Aliya.
“Normal lang sa una’y manlaban at ungulan ka nila, dahil natatakot sila. Hayaan mo lang silang kumalma, Aliya.”
Napatango na lamang ito sa kasama. Nakita ni Isaac na pinapakalma ito ni Daniel ang nagngangalit nito, at napaamo naman nila.
“Nakakausap ba sila?” tanong naman ni Aliya.
“Subukan mo silang kausapin.”
“Halina kayo, pupunta na tayo sa lugar kung saan hindi na kayo masasaktan.” Rinig niyang sabi ni Aliya.
May lugar ba kaming kagaya namin? Napatanong naman nito.
“Oo naman, sumunod lang kayo sa amin.” Sagot pa ni Daniel.
Tumigil na rin ang pag – ilaw ng orasan nito.
“Daniel, maiwan ko na kayo.” Sabi pa niya at bigla siyang nawala.
Napabuntong – hininga na lamang siya.
XXX
Nandito sila sa pahingahan ng mga hayop na pumanaw sa mundo ng tao, nakikita niya ang mga hayop na kung saan masayang naglalaro at nagtatakbuhan. Hindi pa rin siya makapaniwala na naging isa siyang taga – bantay at gabay sa mga anghel ng kalupaan.
“Naninibago ka lang, pero alam kong masasanay ka rin sa makikita sa gawaing ito.” Biglang sabi ni Daniel sa kanya.
Tumango na lamang siya na tinitingnan pa rin niya ang orasan na hawak – hawak niya.
“Ikaw? Anong uri kang taga – bantay?” napatingin naman siya rito.
“Mga tao.” Sagot naman nito sa kanya.
Napakunot naman siya ng noo sa narinig, at napatango.
“Bago ang lahat, ipaliwanag ko muna kung paano mo titingnan ang orasan na iyan.”
“Kung napapansin mo may tatlong kulay ang nandiyan, itim, puti, at pula, kapag nakaturo iyan sa itim ang ibig sabihi’y malapit – lapit na nating makita ang gagabayan natin, puti, kung wala tayong gagabayan, pula kapag oras na ng gagabayan na natin ang kaluluwa nila.” Paliwanag naman nito sa kanya.
Napatango na lamang si Aliya. “Di ba may tinatawag ring taga – sundo ang mga tao o anghel ng kamatayan?” napatanong na lamang siya.
Napatawa na lamang ito sa kanya. “Mga Anghel silang sumusundo sa mga tao, ang kaibahan sa atin ay taga – gabay lang tayo sa kaluluwa sa kagaya kong taga – bantay, subalit, sila talaga ang sumusundo sa kanila, tinatawag silang mga arkanghel, iba sila ng trabaho sa atin.”
Pinoproseso naman ni Aliya ngunit, hindi pa rin niya masyadong naunawaan ang sinabi ng kanyang kasama.
Napatawa ito sa reaksyon niya, nakita niyang umiilaw ito at kulay pula ang ilaw.
“Pupunta ka ba sa lupa?” tanong naman nito sa kasama niya.
“Ah, oo nga pala umiilaw rin pala siya kapag nakatutok sa kulay na ito.” napasabi pa nito.
“Gusto mo bang sumama, para malinawan ka?” tanong pa nito sa kanya.
Tumango naman siya rito. Tumayo siya, nakita niyang kinumpas nito ang kamay at nandito sila sa isang hospital sa mundo ng mga tao.
May dalawang kaluluwa, lalaki at babae tiningnan niya ito. May nasalubong silang isang lalaki na kakaiba ang kasootan.
“Mikael,” nagbigay galang ito sa lalaking nakita, kaya sinunod na lamang siya, hindi pa rin niya maiwasang mapatingin, nakaputing damit lang ito.
Tumango ito sa kanila. “Ikaw ba ang gagabay sa kanila?” tanong naman sa kanyang kasama.
“Opo, Arkanghel Mikael, kung nandito ka, alam ko pong hindi na ako kinakailangan.” Magalang nitong sabi.
Binalingan naman siya rito. “Ikaw ba’y bago pa lamang naging taga – bantay?” tanong nito sa kanya.
Kakaiba ito magsalita, damang – dama niya ang kapangyarihan nitong nag – uumapaw sa katauhan nito na kailangan niyang respetuhin ang kanyang kausap. Napatango na lamang siya bilang pagsang – ayon.
Hindi na ito nagtanong sa kanya. “Aalis na po kami, para, hindi kami makagambala. Maraming salamat po.” Napasabi naman nito sa kanyang kasama.
Tahimik lang itong may minamasdan, nakita niya ang isang babaeng nakapanluksa, kakaiba ang awra nito, nakatali ang dalawang kamay ang sanay susunduin nilang kaluluwa. Namatay ito sa aksidente.
Itinulak pa ito sa kadiliman na natutuwa. Bigla itong humarap sa kanila na napangiti.
“Leah,” banggit ni Mikael sa pangalan nito. “Hanggang ngayon, hindi ka matatahimik sa ginagawa mong paghihiganti.”
Ngumiti ito sa kanila.
“Isa akong kaluluwa na may misyon sa kadiliman, alam ko kung ano ang alituntunin, may mga tao akong susunduin, may iba’t iba tayong tinatawag na hangganan at hindi ninyo ako pwedeng pakialaman.” Sabi pa nito sa kanila.
Napabuntong – hininga ang lalaki. Hinayaan nila ito sa ginagawa.
“Isang kaluluwang mapaghiganti, sinumpa niya ang sarili niya sa kadiliman, para makamtan nito ang nais nito. Kapag nasa kadiliman na ang isang kaluluwa, nagkakaroon ng sariling hangganan at hindi namin pwedeng pakialaman iyon.” Paliwanag ni Mikael sa kanya.
“Huwag ninyong idamay ang sarili ninyo at mapunta sa kadiliman, dahil hindi na kayo makabalik, pwera na lang kung pinapalaya nila ang sarili nila.” Napasabi pa nito.
Napansin niyang may – dala – dala itong isang rolyo ng papel.
“Kailangan kong iulat ito sa taas.” Napabuntong – hininga pa ito. Nagbago ang anyo nito at may pakpak ito mas lalong nagulat si Aliya sa kanyang nakikita ngayon.
Nawala ito bigla sa kanilang paningin. Napatingin na lamang siya kay Daniel.
“Kagaya ng sinabi niya, wala tayong magagawa kapag ang isang kaluluwang kagaya noon ang sumundo sa isang kaluluwa at mapunta sa kadiliman.” Napasabi naman nito sa kanya.
“Hindi pa rin pala nagbabago ang mga tao sa mundo.” Napasabi na lamang niya.
Hindi ito sumagot sa kanya. Bumalik na rin sila na kung saan nandoon si Isaac at ibang kasama nito.
Mukhang ganito na ang takbo ng buhay ko rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.