Nasa malalim na pag – iisip si Daniel ngayon. Hinahayaan na lamang niyang maglakad nang mag – isa si Aliya ngayon. Hindi siya mapakali sa kinikilos nito. “Daniel.” May boses na tumawag sa kanya. Napalingon na lamang siya kung sinong kumakausap sa kanya ngayon. “Isaac.” Pagkilala na lamang niya rito. Tinanguan na lamang siya noon ni Isaac. “May pupuntahan lang ako.” Kaagad niyang kinumpas ang kanyang kamay. May kailangan akong alamin. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Nandito na naman siya sa mansion ng Buenaventura. Tahimik ang paligid. Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang lalaking may kausap sa telepono. “Good, good.” Iyon ang naririnig niya sa matanda na halatang nasisiyahan kung ano man ang napag – uusapan nito sa telepono. “Hawak na natin sa leeg ang dalawang siyent

