Left's POV Napabuntong hininga ako habang naghahanap ng pagpaparadahan. Nandito ako ngayon sa airport at sinusundo si lolo. Ayoko man syang sunduin pero ako lang ang pwedeng sumundo sa kanya. Tinawagan ko na sila Mama at sinabing nandito na si lolo. Pati sila nagulat sa nalamang nandito na si lolo kaya agad agad silang kumilos para bumalik dito sa Manila. Agad ko pinuntahan si lolo sa waiting area nung makahanap ako ng pagpaparadahan. Hinanap ng mga mata ko si lolo, madali ko naman sya nakita kaya nilapitan ko sya. Habang palapit sa kanya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kanya. "Hello, Left." ibubuka ko pa lang ang bibig ko na magsalita agad sya. Hindi pa sya nakatingin nyan sakin ah? "Lolo." sabi ko at pinilit na pasayahin ang boses ko.

