Left's POV Nandito kaming lahat na magkakapatid sa kwarto nila Papa. Hinihintay namin ang mga magulang namin matapos makipag usap kay lolo dahil sa sinabi nya kanina sa party nya. Nakatulog na nga yung apat sa higaan nila dahil sa tagal nila mag usap sa study room. Si Kuya seryoso lang sa balcony, kanina pa sya ganyan. Hindi nga sya makausap ng maayos. "Sure ba kayo na yun talaga ang totoong dahilan ni Ate Yani para hindi matuloy ang kasal nila ni Kuya?" tanong ni Legend. Sinamaan ko sya ng tingin dahil nasa balcony lang si Kuya baka marinig nya at lalo lang sya masaktan. "Hindi purkit magkarelasyon dati sila ni Nissan ay gusto nyang balikan si Nissan." sagot naman ni Right. "Mahalaga sa kanya si Nissan kaya prinoprotektahan lang sya ni Ate Yani." may punto sya at may tiwala naman ako k

