Left's POV Dali dali akong pumunta ng room na tinext sakin ni Ate Yani kung nasaan sila, hindi ko na nga hinintay pa sila Mama sa kakamadali ko. Tinanong ko si Ate Yani kung ano bang nangyari pero wala na akong nakuhang reply mula sa kanya kaya labis labis ang pag aalala ko. Pagbukas ko ng pinto ng kwartong sinasabi ni Ate Yani, gumuho ang mundo ko na makita ang taong nakahiga sa hospital bed. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Naninikip ang dibdib ko. Hirap na hirap akong huminga. "Left.." Pinagmasdan ko sya habang mahimbing syang natutulog. Napansin ko na may mga pasa sya sa katawan. Dahan dahang akong napaluhod habang natulala akong nakatingin sa kanya. "Left!" "Left tumayo ka dyan!" Napaawang ang bibig ko, pilit kong banggitin ang pangalan nya pero walang boses na lu

