Left's POV "Ganito na lang 'to? iiwanan mo na lang ako ng ganon ganon lang? pinaglaban kita sa mga magulang ko dahil mahal kita pero bakit mo ito ginagawa Charlie? hindi mo ba ako mahal?" walang kagana gana na sabi ko habang nakatingin sa script. Napahawak ako sa ulo ko na hampasin ni Nami ang ulo ko ng script. "Para san yon?!" inis na sabi ko. Hampasin ba naman ako eh hindi ko naman sya inaano. "Umayos ka nga! wala kabuhay buhay yan pinagsasabi mo!" galit na sabi nya. "Kaya nga kaliwa, para kang patay na nagsasalita eh." sabi ni Veron. Inirapan ko sya. "Ikaw kaya patayin ko dyan." sabi ko. Nagpeace sign naman sya. "Seryoso Left yung eksena na ginagawa mo nakakaiyak pero kung umacting ka para kang walang pakielam eh." sabi naman ni Nike. Wala naman talaga akong pakielam. Kung hindi l

