Almost two months later… SA loob ng halos dalawang buwan, hindi na mabilang ni Alaina kung ilang beses siya tumitig sa cellphone niya sa paghihintay ng tawag na kahit isang beses ay hindi dumating. Natapos na ang bakasyon at nagsimula na uli ang school term. Bumalik na sa hotel bilang assistant chef ang kaniyang ama. Ayon dito mukhang wala raw narinig mula kay Abel Qasim ang boss nito kaya nakabalik sa trabaho ang papa niya na para bang walang nangyari. Siya naman ay bumalik na rin sa pagiging estudyante. Pero kung dati ay nakikisali siya sa masayang usapan ng mga kaklase niya tungkol sa naging bakasyon ng mga ito, ngayon ay tahimik lamang siyang nakikinig at paminsan-minsan ay ngumingiti kapag may nakakatawang pinag-uusapan. Nasa iba kasi ang isip ni Alaina, na kay Randall. Wala siyang

