PAKIRAMDAM pa rin ni Alaina para siyang lumulutang nang maghiwalay na sila ni Randall at kinailangan na niyang tumalilis ng balik sa silid nilang mag-ama. Napahawak pa siya sa mga labi niya nang maalala ang masuyong halik na iginawad sa kaniya ng lalaki at matamis na napangiti. Hinamig lamang niya ang sarili nang nasa tapat na siya ng pinto ng silid nila sa servant’s quarters. Maingat na binuksan niya ang pinto at nagulantang nang makitang gising na ang papa niya. Nakaupo na ito sa gilid ng kama at nakaharap sa pinto na para bang kanina pa siya hinihintay. Pakiramdam ni Alaina ay tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ng kaniyang ama. “P-papa,” usal niya. “Isara mo ang pinto at lumapit ka rito, Alaina,” seryosong sabi ng kaniyang ama. Nanlamig

