MIKA’S POV “Thank you,” pasasalamat ko sa ginawa niyang pagligtas sa ‘kin. Hanggang ngayon ay malabo pa rin ang paningin ko at tanging kulay at hugis pa lamang ang aking nakikita. “For what?” malamig at pabulong na sagot nito. “Sa pagdala mo sa ‘kin rito, at pagligtas mo habang nagkakaroon ako ng panic attack kanina. Kung hindi dahil sayo, baka kung ano na ang nangyari sakin.” nakangiti kong sabi. Hindi ko makita kung anong reaksyon niya at kung anong itsura niya kahit malapit lang siya sa ‘kin. “Get some sleep, I’m off.” “Sandali!” malakas kong sigaw matapos marinig ang yabag ng kaniyang mga paa papaalis. “Anong pangalan mo?” “Vince.” “Vince, nice. Ang sosyal naman ng pangalan mo.” Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa… “Vince!” sigaw kong muli. Hindi siya sumagot.

