MIKA’S POV Ilang buwan na pala ang nakalipas simula ng maging scholar ako ng unibersidad na ito, ngayon ang huling araw bago matapos ang unang semester ng unang taon ko sa kolehiyo. Alas kwatro na ng hapon at narito ako ngayon sa tabi ng Carpark, naglalakad papalabas habang pinagmamasdan ang pagkaluskos ng malamig na simoy ng hangin sa mga naglalakihang mga punong naka palibot sa Unibersidad na ito. Tahimik ang paligid at tanging sinag ng ilaw mula sa mga bukas na food stalls ang tanging makikita sa bandang ito. Nitong nagdaang linggo ay nilaan ko ang aking oras sa paghahanap ng part time job sa kadahilanang hindi na sapat ang allowance na nakukuha ko mula sa Unibersidad. At sa wakas, kahapon nga lamang ay nakatanggap ako ng text message na ngayong araw ang unang araw ko sa trabah

