YUGTO 9

1915 Words
Ika siyam na yugto : Bothersome "Sa Third floor ka ngayon ija.." nakangiting sabi ni Nanay Ana kay Yuna habang sinasabi niya sa lahat kung saan sila ma aasign na floor ngayon. Siya, si Nanay Fe at Nanay Olivia ang mga na assign sa third floor para maglinis. Medyo kinakabahan siya dahil unang araw niya ngayon sa trabaho. Napatingin siya sa mga kasama niya ng marinig niya ang mga mumunting hagikhik nila ng sinabi ni Nanay Ana na sa Third Floor siya ma aasign. Kumunot ang noo niya at pinilig ang ulo dahil nagtataka siya sa mga paghagikhik nila. "May problem ho ba ?" She asked Isang akbay na nagmula sa gilid niya ang dahilan kung ba't halos mapatalon siya sa gulat. Nilingon niya ang umakbay sa kaniya at nakita niyang si Bryce iyon na kung hindi siya nagkakamali ay ma aasign sa Editing and Recording floor (8th floor) ng building kung nasaan ang Recording Studio at ang mga Editor ng kanta ng mga artist ng WhyG. "Kasi po sa Third Floor matatagpuan ang Dressing Room, Practice Room at Opisina ni Sir Perez.." ani nito sa kaniya "Oh tapos ?" Kumalas ito sa pagkaka akbay sa kaniya at ngumuso. "Ang highlight ng floor na yun ay ang Practice Room.." paliwanag nito "doon mo makikitang nagsasayaw o kumakanta ang mga artist or trainees na nagpapractice." Kumunot ang noo niya. Hindi niya mahanap kung bakit importante ang Practice room na iyon. Ang alam niya lang ay maglilinis siya dun at wala ng iba. Umiling na lang siya at nagtungo na siya at pati sila Nanay Fe at Nanay Olivia sa elevator patungong third floor. "Oh ija, ako sa Opisina ni ser, si Fe sa Dressing room at ikaw sa practice room ha ?" Paliwanag ni Nanay Olivia na tinanguan niya naman. "Maaga pa at maya maya pa magpapractice ang mga batang iyan. Pagkamatapos naman ulit silang magpractice ay lilinisin ulit natin iyon.." sabi naman ni Nanay Fe. Ala sais palang kasi ng umaga at sa pagkakaalam niya eh alasyete ng umaga nagsisidatingan ang mga trainee ng kompaniya. Ang mga artist naman daw na sikat ay pili lang dahil mga busy na. Yung mga napunta lang daw dito ay yung mga nagpapractice para sa concert, prescon, scheduled photoshoot, pinatawag ni Sir Perez, meeting for new MV, Dramas at iba pa. Nagsimula na siyang maglakad para tahakin ang mga Practice Room. Nakita niyang may apat na Practice Room doon. Magkakaharap ang tig dadalawa. Malapad sa loob at may malalaking salamin sa harap. May nakita din siyang mga speaker sa gilid. Tahimik siyang nagsimulang maglinis at naisip kung gaano ka swerte at kapalad ang mga taong nakatungtong dito at nagiging sikat. Samantalang siya tumuntong dito para maglinis at para maisalba ang ama. Pero kahit ganoon naisip naman niya na ano naman ngayon kung hamak na janitress lang siya ? Ang importante naman sa kaniya ay ang ama. "Oh ! Hey there, morning !" Nagulat siya nang may marinig siyang boses mula sa likuran. 'Akala ko ba ay alasyete pa sila ? Aga naman ng isang to ?' Pumihit siya para harapin ang taong yun para sana mag goodmorning din kaso halos mabitawan niya ang mop na hawak ng makita ang lalaking yun sa harap niya. Naka itim na V neck shirt, ripped jeans at sumisigaw ng Nike ang itim din nitong sapatos. May suot itong sumbrero na may nakaburdang "BadBoy" at kuminang ang bilog na gold piercing nito sa right ear niya. Nakasabit din sa leeg nito ang isang dog tag at pinapakita kung gaano kalakas ang dating niya. Gaya niya ay halatang nagulat din ito sa presensiya niya. "What the ?" Gulat na usal ni Jeydee. Pinasadahan niya ang kabuuang ayos ni Yuna at may napagtanto. "You're working here ?" Tanong niya at kitang kita ang silver ring sa hintuturo niya ng turuin niya si Yuna. Medyo nataranta naman si Yuna at yumuko ng bahagya kay Jeydee. "A-ah opo.. opo.. ah magandang araw din po pala sir.. ahmm Jeydee ?" Medyo unsure niyang sabi. Di niya kasi akalain na ang medyo.. medyo lang ha ? Medyo kinaiinisan niyang tao ay nandito. Di niya alam kung bakit basta naiinis lang siya sa presensiya nito. Lalo na pag nakakaramdam siya ng ilang at kiliti sa sistema niya pag nakatitigan ito. She heared him chuckled. "So.. you know me ?" Amused na tanong ni Jeydee at naglikha ng tunog ang Nike niyang sapatos sa paglakad niya. Umismid naman bahagya si Yuna tila di makapaniwala sa sinabi nito. Malamang artista siya diba ? Well yes, sa probinsiya nila ay wala silang TV kaya kung hindi niya nakita ang taping nito noon at narinig ang ngalan nito ay malamang di niya to kilala ngayon at baka ngayon niya lang nakilala to. "Syempre sir artista ka." She said as a matter of fact. Umalingawngaw ang tawa ni Jeydee sa apat na sulok ng Practice Room at in-on ang speaker at tumugtog ang isang kanta. "C'mon drop the "po" and "sir" swettie. Jeydee or Dee is fine" ani nito habang tinitignan na siya mula sa salamin. Hindi na niya pinansin ang pagtawag nitong "swettie" sa kaniya at umiling na lang. Nag mop na lang ulit siya at medyo naiirita sa tunog ng spike ng sapatos nito. "You're all I ever need.." dinig niyang kanta ni Jeydee habang sumsasayaw dahil sa tunog ng sapatos nito. Parang hinaplos ang pandinig niya dahil sa boses nito. Nakakaakit, malamig, at napakaganda ang pagbigkas niya ng bawat salita. Umangat ang tingin niya dito at napaawang ang labi ni Yuna ng makita ang pagsasayaw nito. Bawat kumpas ng mahahaba at malilinis niyang daliri. Ang swabe nitong pagalaw. At ang matang yun, ang seryoso at nakakadalang malalalim nitong mata. Ngayon napagtanto niya ang layo ng mundo ng mga kagaya ni Jeydee sa mundo ng mga kagaya niya. Sa mukha at pananamit palang langit at lupa na ang agwat nila. "Baby you're amazing.." kanta pa ni Jeydee pero nakita niya ang pagkagat nito ng labi at pagngisi nito sa kaniya mula sa salamin. Damn ! She drooled ! She definitely drooled to the guy ! Dagli siyang tumikhim at mabilis na naglampaso sa sahig para maka lipat na sa kabilang practice room. She need to get out, s**t. "You're my angel come and save me.." huli niyang nadinig sa boses ni Jeydee bago lumabas dun. Bumuga siya ng hangin at nag martsa sa katapat na practice room para maglinis. 'Nakakainis talaga !' **** Sumalampak paupo si Jeydee sa makintab na sahig ng Practice Room at pinatay ang stereo katabi niya. Ang pagtaas baba ng dibdib niya at ang nakaawang na bibig ay ibedensiya na hapo na siya sa kakapractice. Pinasadahan ng mahahaba niyang daliri ang basa na niyang buhok dala ng pawis at nakita niya sa Rolex niyang wristwatch na alas otso na pala. In one swift motion hinubad niya ang damit niya at tumambad ang tats niyang "Forever Young" na nasa right side ng katawan niya. Napaangat siya ng tingin ng sa gitna ng pagbuntong hininga niya ay tumambad ang isang bottle ng mineral water sa harap niya. Sumalubong ang nakabusangot na mukha ni Aika sa kaniya. He chuckled at inabot ang tubig na ini offer neto and gulped on it without removing eye contact with each other. Napa iwas ng tingin si Aika dahil na didistract siya sa pagtaas baba ng adams apple ni Jeydee at sa nakabalandra netong katawan na kamangha mangha na akala mo'y payat ay may tinatagong abs. Umupo siya sa tabi ni Jeydee at humalukipkip. "Maaga ka yata ngayon Sir, himala" taas kilay na tanong niya dito. "You should be grateful about it, Ma'am" Ngisi ni Jeydee at inartehan pa ang pagbigkas ng Ma'am. Umirap lamang siya dito ngunit bigla niyang napansin ang pagngiti ngiti ni Jeydee habang nakatingin sa hawak na bottled water na wala ng laman. "May nakakatuwa ba sa binigay kong bottled water at ngingiti ngiti ka jan ?" Ani niya. Naalala naman ni Jeydee ang eksena kanina with the probinsiyana girl at kung paano ito natulala sa pagkanta at sayaw niya. He can't help but smile more. 'Oh damn I liked that reaction' isip niya na nagpatawa sa kaniya ng bahagya "Did you know that.." malaki ang ngisi na baling ni Jeydee kay Aika "she's working here Aik's ?" "Who ?" Gulong tanong ni Aika "The probinsiyana girl.." Natigilan si Aika at napalunok. Her heart started to beat uncontrollably dahil sa kaba ! She can't accept the fact that Jeydee is smiling this much because of that girl. 'Is she stalking Dee ?!' Sa isip niya "Oww.." tumayo siya at tinalikdan si Jeydee "you should change Dee pupunta pa tayong venue ng concert mo for next week. Andun na si Ms. Alex.." walang gana niyang sabi but she can felt a hot liquid in her eyes already. Narinig niya ang pagtunog ng sapatos ni Jeydee at alam niyang nakatayo na to.. "Aryt. Gimme some sec. Aiks." Nakikita niya ang dreamy eyes ng mga babaeng trainee habang naglalakad sila ni Dee patungong Dressing Room. Bahagya siyang nauuna dito sa paglakad. "Goodmorning Jeydee !" She heard a girl trainee said, almost giggle "Goodmorning girls.." Umirap siya sa pagsagot ni Jeydee sa mga ito lalo pa't nakita niya pa ang pagkindat niya sa mga to. Halos mahimatay naman sa kilig ang mga malalantod. 'Urgh ! Gusto yata ng mga to ng more sabunot !' Gigil niyang isip "Where do you wanna have lunch Dee ?" Tanong ni Aika pagkapasok nila sa Dressing Room "How about you ?" Dinig niyang tanong ni Jeydee. Bumaling siya dito para sagutin ang tanong nito but little did she know na hindi pala para sa kaniya ang tanong ! Ngayon lang niya nakita ang isa pang tao na naroon pala. Nasa sulok at may hawak na timba at mop. Kitang kita niya ang pagkagat ng labi ni Jeydee na tila ba nagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa kay Yuna na noo'y nakakunot noong pabalik balik ang tingin sa kaniya at kay Jeydee tila ba naguguluhan. 'Now this is really bothersome !' Angil ni Aika sa sarili "I said how about you, swettie ?" Napatalon si Aika ng bahagya dahil sa lambing ng pagkakabigkas ni Jeydee ng swettie sa babae. Ramdam na ramdam niya ang pagtusok ng sakit sa puso niya ! "Dee ?" She called him out "Ah sir, si Ma'am ho ba ang tinata--" "I'm looking at you so it's definitely you I'm asking, swettie. Now.." Napapikit si Aika ng mariin at di makapaniwala sa naririnig at nakikita ! Lumapit si Jeydee sa mesa ng Dressing Room kung saan banda nakatayo si Yuna sumandal siya doon. "I'm asking you where you wanna eat ? Want to come with me ?" Tanong ulit ni Jeydee kay Yuna sa mahinahong tinig. "Jeydee leave the girl ! Can't you see she's busy ?" Aika burst Tila natauhan naman si Yuna nun at naalalang nagtatrabaho pala siya ! Why the hell is she talking with this handsome topless man anyway ? At kita na niya ang galit sa mata ni Aika ! "Sorry sir nagtatrabaho pa po ako. Sorry din maam" ani Yuna at nagmadaling umalis doon Jeydee looked at Aika with confusion. But Aika has rage in her eyes. "What the hell Aiks ? Sinira mo diskarte ko, s**t !" Napapailing na ani ni Jeydee Hinablot niya ang baon niyang White V- Neck shirt at sinuot yun habang si Aika naman ay napaawang ang bibig. 'Diskarte ?! What the hell also Jeydee Valkrie ?!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD