Our Childhood #3

1316 Words
^^^^^^^^ In third-person POV "Kody.." Napasimangot ang labindalawang taong gulang na si Kody nang marinig ang pagtawag ng ina sa labas ng kwarto. At bago pa bumukas ang pinto niya ay nagtalukbong na agad ng kumot. "Kody.." may pag-aalala sa tono nito at napasimangot ulit si kody. Kasalanan ito ni Thorne Salvatore! Kung hindi nito pinakita ang ano... nito sa kanya eh di sana may gana pa siyang lumabas ng bahay at mamuhay ng normal! Pero dahil nga paulit-ulit na sumisingit sa utak niya ang ... ano nito... ay ilang araw na siyang matamlay. Noong isang araw nga ay nilagnat pa siya. Hindi naman niya magawang sabihin sa ina dahil nahihiya siya. "Kody.. anak, what's the problem, baby?" Hinaplos-haplos siya ng ina sa balikat.  Nakagat niya ang labi niya. Iniisip na hindi na siya malinis dahil nakakita na siya ng.... at kay Thorne Salvatore pa! Mas lalong tumindi ang galit niya sa kababata. "Lahat ng bata dito sa subdivision ay excited na para sa Grand Summer ball. At ayokong hindi ka um-attend don! So please, baby, cheer up, okay?" Inalis niya ang nakataklob na kumot at tumingin sa ina. "I'm not attending to that ball, 'My!" "No way, baby!" "'My..." tuluyan siyang bumangon at umupo paharap sa ina. Ang totoo gustong-gusto niyang um-attend sa Ball na yon. Noong una iyong inanunsyo ay excited silang mag-ina at noong isang linggo pa siya may gown at sapatos. Pero dahil sa traumatic experience na binigay ni Thorne sa kanya sa likod ng simbahan... "Mommy? Paano mo makakalimutan ang isang bagay?" Napakunot-noo si Mrs. Shana pero sinikap pa ding sagutin ang tanong ng anak. "Ahmmm... Eh di mas lalo mong isipin. That way magsasawa ka din sa bagay na 'yon hanggang makalimutan mo na. And I think it's the same with facing your fear." Ngumiti ito. Napatango-tango si kody. Tama. Hindi pwedeng tumagal sa isipin niya ang pangyayaring iyon. Ang kailangan niya ay harapin si Thorne na parang walang nangyari at siguro gagawin na lang niyang katawa-tawa para dito ang pinakita nito. Though wala siyang mapagkokomparahan dahil first time niyang makakita ng... Ah basta! Hindi siya papayag na sirain ni Thorne ang kagustuhan niyang um-attend ng Summer ball. ^^^^^^^^^ Papalabas ng bahay si kody nang matigilan siya dahil sa lalakeng naabutan niya sa tapat ng gate nila. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya at paulit-ulit na namang nag-play sa utak niya ang madilim na eskinita.... ang kamay nito sa pantalon nito... ang zipper na unti-unting bumababa... "Hey, Kody." Young Thorne cleared his throat. Nasa mukha ang guilt. "B-Bakit?" mataray niyang tanong. "I've heard you're not well----" "Okay na 'ko, Thorne, sorry to say but masyado pa 'kong bata para mamatay." Inirapan niya ito at ibinaling ang paningin sa kalsada bago pa bumaba ang tingin niya sa pantalon nito. Grrrr! Gusto niyang sakalin ang kaharap. "Well, I'm glad." bumalik na ang kapilyuhan sa mukha nito."Masyadong nakakahiya na mamatay ka dahil lang nakita mo ang aking ---" "Stop! hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagkasakit!" "okay..." Kumikislap pa din ang mga mata nito sa kalokohan at pagkaaliw at lalong nainis si Kody. What? hindi man lang ito magso-sorry sa ginawa nito sa kanya? Pero bakit niya pa aasahan iyon, ipinangako niya nga na babalewalain na lang niya ang nangyari.  "Wala na sa'kin yun Thorne, tsss... ano bang pinagmamalaki mo?" Nawala ang ngiti nito at biglang sumeryoso. Ha! gotcha! "Sus! Nilagnat ka nga di ba?" ngumisi ito. "Hindi nga eh!" "Sinong niloko mo? Akala mo ba hindi ko alam na sobra kang namutla nang makita mo ang---" "Stop it!" Sinugod niya ito para sana suntukin pero nakaiwas agad ito. "Humanda ka sa'kin!" hahabulin niya sana ito pero itinaas nito ang dalawang kamay. "Okay. Okay. Prove it, Kody. Patunayan mo na balewala na sa'yo ang nangyari." "P-Paano?" Tss! bakit ba siya magpapaloko sa kurimaw na ito? "Be my date in the Summer ball." Lumuhod ito sa isang tuhod at inalay ang isang kamay sa kanya... (O____O)? "Tch.. At bakit ko naman gagawin iyon?" "Dahil kung hindi, iisipin ko na palage mong iniisip ang nakita mo sakin, hindi ka makatulog at kaya ayaw mo akong makasama, at maaaliw ako sa ideyang iyon." "No way!" "Then be my partner. At kung meron ka ng escort then ditch him." Ang totoo wala pa siyang escort. Mas gusto niya kasing pumunta sa Ball nang mag-isa at pagkaguluhan ng mga lalake at bahala na siyang pumili sa isa sa kanila.  "You're making me laugh, Thorne. Ikaw magiging escort ko? Ha!" Tumayo na ito nang nakangisi pa din. "Okay, then I guess tama nga ang iniisip ko na naiilang ka pa din sa'kin dahil sa nakita mo?" "I-Isipin mo ang gusto mong isipin! Hindi kita magiging escort! Ugh!" napapadyak siya sa sobrang inis. Thorne just shrugged. Pinagsalikop ang mga braso sa likod ng ulo at pasipol-sipol pa. "Umalis ka na nga!" Itutulak sana ito ni Kody papunta sa tapat ng gate ng mga ito nang biglang bumukas ang gate nila at lumabas ang mommy niya. "Kody! Thorne! Anong ginagawa niyo?" nakangiti nitong tanong, tuwang-tuwa sa ideya na magkasama ang dalawa. "Wala mommy, nanggugulo lang siya!" "Hello, Tita! Ang totoo po pinag-uusapan namin ang tungkol sa Summer Ball. And I'm asking your daughter if I can be her escort." "Really!" tuwang-tuwa si Mrs. Shana at tumingin sa anak. "At sinabi ko ngang hindi di ba?" "Kody..." May pananaway ang tono ng mommy niya. "It's okay, hindi pa lang po talaga siya maka-recover sa----" "Thorne!" Sigaw ni Kody. Hindi makapaniwala na kaya nitong sabihin sa mommy niya ang tungkol sa bagay na iyon. "Ugh! Okay! Okay! Ikaw na ang escort ko!" pinandilatan niya si thorne sa inis. Hindi makapaniwalang naisahan siya nito. Samantalang ang labing-anim na taong gulang na si Thorne ay matipid na ngumiti at sa isip ay naglalaro na ang mga ideya para sa Summer ball. ^^^^^^^^ Nasa clubhouse si Kody nang hapong iyon dahil sa inutos ng mommy niya na bilhin niya. Tulad ng inaasahan niya marami siyang nadatnang mga kabataang nandoon at nagtsitsikahan tungkolsa Summer Ball sa isang araw. Hanggang ngayon ay naiinis pa din siya na naisahan siya ni Thorne. Palabas na sana siya nang marinig niya ang usapan ng isang grupo ng kababaihan na madadaanan niya. "So who will be your escort, charm?" tanong ni Ivy. Nilingon niya ang grupo ng mga ito. Lahat ng apat na babae ay nakatingin kay Charm at hinihintay ang sagot nito. Mayumi muna iton g tumawa at nangislap ang mga mata. Napanguso si Kody. Magkakailala silang dalawa ni Charm at mabait naman ito. Pero bakit sa tuwing ginagawa nito iyon eh naiinis siya? "Sino nga?' tanong ng isa pa. "Si.... Thorne." at humagikhik ito na parang kinikiliti ng engkanto. Napapalatak siya. Sinasabi na nga ba niya. "Ha? pero nakita ko si Thorne at si Shiela kahapon sa court eh..." simula ng isang babae na kasama din ng mga ito at dito naman napatutok ang atensyon ng lahat. "Narinig kong niyaya ni Thorne si Shiela na maging date din..." "S-Sigurado ka ba? P-Pero..." Lumungkot ang ekspresyon ni Charm. At lalo namang nagusot ang mukha ni Kody sa mga narinig. Given na ang kabaliwan ni Charm kay Thorne pero hindi naman siguro nito ipagsisinungaling na si Thorne din ang escort nito. At ang kaibigan nitong nagsabi na nakita nitong niyaya din ni Thorne si Shiela ay kapani-paniwala. Ang totoo ang grupo ng mga ito ay kilalang mga mababait na mga bata sa subdivision nila. Kaya kung hindi sila nagsisinungaling... ibig sabihin si Thorne ang may kasalanan! Napailing si Kody, iisahan pa siya ng bakulaw na 'yon ah! Balak pa siyang gawing katatawanan kapag inindyan siya sa ball. At sinong nakakaalam kung may iba pa itong niyaya at papaasahing babae sa mismong party. Nanggigigil na umalis si Kody at sa halip na dumerecho ng uwi ay tumigil siya sa tapat ng gate nila Kevin, ang crush niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD