"He died in front of me!!! At wala akong nagawa!!!" then the woman cried hysterically. Nagsalita ang counselor ng group therapy na iyon at in-encourage kaming iiyak din namin ang lahat ng kabiguan, problema, kalungkutan at pagsisisi namin sa buhay.... Hindi ako makaiyak dahil nakatunganga lang ako at naguguluhan pa din. Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip kung bakit kami nandito sa kwartong 'to kasama ang sampung tao na nakaupo ng paikot at ngayon nga ay nag-iiyakan na... Nilingon ko si Thorne sa tabi ko na nakahalukipkip, seryoso ang mukha at hindi man aktibong nakiki-participate ay tahimik namang nakikinig pero nasa mukha ang pagka-amused sa nakikita. Halos lahat ng mga kasama namin ay nag-iiyakan at ang couselor ay tuloy sa pagsasalita. Magaling siyang facilitator, totoo lah

