Isleen Fajardo's P. O. V Lumipas ang buwan, nakatira na kami sa pinagawang bahay ni Aiden. Kasama namin sila Mama at Papa dito. Sabi ni Aiden ay para daw mayroong nagbabantay sa akin sa tuwing pumpasok siya sa trabaho. Gusto ko rin namang makasama ang magulang ko kaya sumang-ayon ako sa gusto ni Aiden na iyon. Naglalakad ako palabas ng bahay namin ni Aiden. Kukunin ko sana ang naiwan na plastik ng tela mula sa kotse. Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan pero biglang sumakit ang tiyan ko. Kakaibang sakit na hindi ko pa naramdaman noon. "AIDEN!" sigaw ko sa sakit. Napakapit ako sa doorknob at napahawak sa tiyan ko. "ISLEEN! ANAK!" boses iyon ni Mama. Naramdaman ko ang presensya ni Mama sa likod ko at pilit akong inaalalayan. "MANGANGANAK NA SI ISLEEN!" sigaw iyon ni Mama. Napatingin

