Clifford Aiden's P. O. V Nakatitig lang ako kay Farja na payapang natutulog. Narito pa rin kami sa Baguio. Hindi na kami pinauwi ng magulang ni Farja, kinausap namin sila pero hindi pa buo ang kanilang desisyon tungkol sa amin. Sana naman matupad ang mga dasal ko, gusto kong makasama si Farja sa buong buhay ko. Tumayo ako at naglakad palabas. Bigla akong nauhaw kaya nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Alas dose na ng madaling araw. Tulog na ang lahat. Napatingin ako sa pinto ng bahay nang bumukas ito. Sa una ay kinabahan ako na baka magnanakaw o masamang tao ang papasok dahil nakalock iyon sa pagkakaalam ko. "Mr. Staverton..." nagulat ako nang makita ko si Zedrick. Gusot ang polo niya at halatang wala siya sa kaniyang pag-iisip. Amoy na amoy ang alak sa buong katawan niya. Na

